608-1 608-2

Talisay, Camarines Norte (Abril 11, 2016) – Magkasabay na isinagawa nitong Abril 10, 2016 sa mga bayan ng Talisay at Vinzons ang Peace Covenant Signing 2016 para Secure and Fair Election 2016 (SAFE).

Sa bayan ng Talisay, pinangunahan ni Mrs. Emily G Basilonia, Acting Election Officer ng Commission on Elections (COMELEC) sa pakikipagtulungan ng Talisay Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni P/S Insp. Ryan P. Rimando, Acting Chief of Police.

Ang naturang aktibidad ay sinimulan sa pamamagitan ng misa bandang alas-8:30 ng umaga sa pamamagitan ni Rev. Fr. Edwin Abel sa Parish of St. Francis of Assisi at sinundan ng paglagda ng mga pulitiko sa kasunduan. Nanumpa rin ang mga pulitiko na hindi lalabag ang mga ito sa alinmang batas ng COMELEC sa darating na eleksyon upang masiguro ang pagbibigay ng tama at maayos na impormasyon, partikular na sa mga bagay na may kaugnayan sa kanilang pinagkakagastusan sa panahon ng pangangampanya.

608

Kasama rin sa kanilang pinirmahan ang hindi paggawa ng masamang pagkilos at mga pagbabanta laban sa mga katunggali sa pulitika, gayundin ang pagbibigay ng kalayaan sa karapatan ng mga botante sa magiging desisyon sa pagpili ng karapat-dapat mamuno sa kanilang bayan.

Samantala, sa bayan naman ng Vinzons, isa ring parehong aktibidad na sinamahan ng candle lighting ang isinagawa ng mga tumatakbong kanidato sa naturang bayan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni G. Rommel Pajarin ng COMELEC at ni Officer In-Charge Chief of Police PS/Insp. Andy Rosero ng Vinzons MPS

Isinagawa ang Covenant Signing sa mismong simbahan ng St. Peter The Apostle Church na nagsimula sa pamamagitan ng misa na dinaluhan naman ng mga magkakatunggali sa pulitika.

608-3

Dumalo sina incumbent Mayor Agnes Diezmo Ang ng Liberal Party (LP) at Dra. Nory Segundo ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kasama ang mga konsehal at ilan pang independent candidates na siyang nakiisa.

Matapos ang convenant signing, isinagawa naman ang pagsisindi ng kandila bilang simbolo ng payapang halalang susuungiin ng mga kandidato.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

More NEWS?

Visit our HOME                                    For Daily News Update                   Follow us on Twitter

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150