608

Diliman, Quezon City (Oktubre 27, 2016) – Dinaluhan ni Museum Curator at University of the Philippines (UP) Professor Abel Icatlo ang book launching sa UP, Dilimat, Quezon City nitong Oktubre 22, 2016 tungkol sa buhay ng isa sa mga ipinagmamalaking bayani ng lalawigan ng Camarines Norte na si Wenceslao Q. Vinzons.

Ang naturang libro na pinamagatang “Wenceslao Q. Vinzons: The Hero The Nation Forgot” ay akda niĀ Efren Myambot na kasama ni Bintao sa Upsilon Sigma Phi sa UP at isang historian.

Ayon kay Icatlo, hindi matatawaran ang iniwang legasiya ni Bintao tulad ng pagiging mahusay na pulitiko na hindi ginamit ang posisyon para lamang makapangurakot.

Aniya, maging salamin sana ang tinahak na landas ni Bintao bilang isang magiting at tapat na pinuno sa mga kasalukuyang namumuno sa pamahalaan. Dagdag pa ni Icatlo, bilang batang gobernador noong ng lalawigan ng Camarines Norte, pinangunahan niya ang kanyang mga kababayan sa pakikidigma laban sa mga mananakop na mga Hapones.

Maaaring mabili ang libro tungkol kay Bintao sa National Book Store na sa kasalukuyan ay mayroon pa lamang 1,000 kopya subalit nakatakda ring mag-imprenta pa ng dagdag na kopya sa mga susunod na araw.

Ilan pa sa mga akda ni Myambot ay historical plays na Macario Sakay, Bintao: Ang Buhay at Kamatayan ni Wenceslao Q. Vinzons, at Paciano Rizal. (Edwin Datan, Jr.)

(photo courtesy: Frey Cabading)