608

San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte (Nobyembre 5, 2016) – Matagumpay na pinasinayaan nitong Oktubre 28, 2016 ang Matacong Zipline sa San Lorenzo Ruiz. Ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng bayan ng San Lorenzo sa pangunguna ni Mayor Nelson de los Santos at ng mga kawani ng Provincial Tourism Operations Division. (PTOD)

Ang Matacong Zipline ang pinakamahabang Zipline sa Bicol Region. Ito ay may kabuuang haba na 750 meters. Ang halaga ng bayad ay magsisimula sa 250 Php at maaaring tumaas depende sa posisyon at dami ng mga harness na gagamitin.

Ang zipline ay very accessible dahil ito ay naaabot ng jeep na biyaheng San Lorenzo at ilang metro lamang ang layo sa main road.

Siguradong hindi mabibitin ang sinuman na sasakay dito dahil ito ay roundtrip hindi katulad ng iba na isang tawid lamang at hindi ka babalik na sakay uli ng isa pang zipline. Magandang tanawin din ang iyong makikita sa iyong pagtawid dahil makapal na taniman ng niyog at ilog ang iyong madadaanan.

Bago pa man ang pormal na pagbubukas ng nito sa publiko, pinangunahan na ng unang ginang ng lalawigan na si G. Josie Tallado at ni G. Mariano Palma ang Supervising Tourism Officer ng PTOD ang pagsakay sa zipline bilang panghihikayat sa publiko na ligtas at masayang karanasan ang pagsakay dito.

Ang zipline ay nasa panagangasiwa ng Local Government Unit (LGU) ng San Lorenzo. Ito ay naipagawa sa tulong ng Bottom Up Budgeting (BUB) ng Department of Tourism (DOT). Layunin nito na makatulong sa pag-unlad pa ng turismo hindi lamang sa San Lorenzo kundi maging sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Nais ng PTOD na masimulan na ang pagsulong ng bayan ng San Lorenzo Ruiz bilang isang Eco-Adventure Town at ang Zipline ay simula lamang dahil maglalagay pa ng mga pasilidad sa lugar upang marami pang pwedeng gawing adventure sports tulad ng rapelling, water tubing, trekking, ATV ride at iba pa.

Cresencio B. Adlawan

Provincial Tourism Operations Division