hiv-608-b

Disyembre 18, 2016, Daet, Camarines Norte – Naging matagumpay ang isinagawang “Run to Zero HIV/AIDS Awareness Fun Run” ng Philippine Red Cross Camarines Norte Chapter na isinagawa kahapon ng umaga,.

Sinimulan ito sa Our Lady of Lourdes College kung saan isinagawa ang maikling warm up, at ganap na alas 5 ng umaga, tumulak na ang grupo patungo sa Echo Athletic Field kung saan, doon naman isinagawa ang maikling programa.

Dinaluhan ito ng mga volunteers ng red cross sa buong lalawigan, estudyante, mga young professionals, PNP, at ilan pang mga indibidwal at organisasyon na pawang nakikiisa sa kampanya laban sa naturang karamdaman.

Nakatuon ang tema ng nasabing Fun Run upang palaganapin ang kaalaman ng publiko hinggil sa panganib na dulot ng HIV/AIDS at kung papano ito maiiwasan.

Bilang Provincial Chairperson, pinangunahan ni Mrs. Josie Baning Tallado ang nasabing aktibidad. Ayun kay Ginang Tallado, masidhi ang kanilang kampanya hinggil sa paglaban sa nasabing karamdaman dahil, may mga nag positibo nang napaulat sa lalawigan ng Camarines.

Naniniwala ang Chairman ng Red Cross Cam Norte na sa pamamaraan ng safe sex ay maiiwasan ang nasabing nakamamatay na sakit.

untitled-g hiv-aids-awarness-608-a

Samantala, kapuna puna din na hindi namahagi ng condom ang grupo ng Red Cross sa kanilang aktibidad kahapon. Paliwanag ni  Eunice Obusan ng PRC Camarines Norte, hindi na nila isinagawa ang pamamahagi ng condom dahil sa init ng debate at diskusyon hinggil dito.

Sinabi ni, Bb. Eunice na tumutok lamang sila sa awareness campaign sa pamamagitan ng nasabing Fun Run.

Camarines Norte News

Photos Courtesy of Mahatma and Roden Rosario

 

hiv-608-i hiv-608-e

hiv-608-h hiv-608-f

hiv-608-d untitled-j