SP-Session-608

Enero 12, 2017, Daet, Camarines Norte – Nakalusot na sa Sangguniang Panlalawigan ang concurrence para sa appointment ni Ginoong Alvin Tallado bilang bagong talagang Provincial Administrator ng lalawigan ng Camarines Norte.

Kahapon, sa regular na sesyon ng SP, sa pamamagitan ng resolusyon, binigyan na nito ng pag sang-ayon ang appointment ng anak ng goberndor na si Alvin para sa nasabing posisyon.

Kasama ni Alvin Tallado sa isinalang para sa pag sang-ayun ng SP sa kanilang appointment ang itinalaga ring Provincial Legal Office na si Atty Don Culvera subalit pansamantalang ipinagpaliban ang pag bibigay ng concurrence dito dahilan sa kakulangan pa sa required number of years o sa kanyang work experience. Gayunpaman, nananatili itong magtatrabaho bilang Provincial Legal Officer sa kapasidad ng acting PLO.

Kasabay nito, binigyan na rin ng SP ng authority to transact sina Gobernador Edgardo Tallado, Provincial Treasurer Marieta Laranan at Vice Governor Jonah Pimentel para sa kani-kanilang mga posisyon.

Samantala, sa susunod na sesyon, susunod na ring isasalang sa SP para sa concurrence si Sherwin Mata bilang Provincial Information Officer na una na ring ibinalik ni Governor Tallado nang makabalik na rin ito bilang gobernador ng lalawigan.

Camarines Norte News