608-99th

Enero 15, 2017, Daet, Camarines Norte – Pumanaw na sa edad na 101 ang tinaguriang Centenarian ng lalawigan ng Camarines Norte na si Marina “TIYA NENA” Bacuno Adevoso kaninang alas 6:10 ng umaga sanhi ng karamdaman dulot na rin ng kanyang edad at severe diarrhea.

Kilala sya sa tawag ng Tiya Nena na dating guro sa Chung Hua High School noong kanyang panahon. Ipinnanganak si Tiya Nena Noong July 19, 1915 at pumanaw ngayong umaga lamang, Enero 15, 2017.

Noong kanyang ika 100 kaarawan, tumanggap si Tiya Nena mula sa pamahalaang lokal ng Daet at sa Sangguniang Panlalawigan ng pagkilala bilang Centenarian.

608-award 608-SP

Hindi na rin inabot ng Centenarian ang ipinangako ng pamahalan ng isang daang libong pisong insentibo sa mga mamamayan na aabot sa isang daang taon.

Ayun kay Mrs. Marissa Bernardo, maybahay ni Rex Adivoso Bernado na isa sa mga kamag-anak ni ginang Adivso, sinubukan nilang asikasuhin at i-follow up ang nasabing benepisyo upang sana ay mapakinabangan pa ng matanda ang nasabing benepisyo habang ito ay nabubuhay pa, hindi na rin ito umabot matapos sabihin ng DSWD Region na wala pang pondo para dito.

Kanina sa mismong bahay ng mag asawang Bernado binawian ng buhay si Tya Nena, na sila ang nag alaga mula ng magkasakit ito at madala sa pagamutan.

608-wd-mariz-rex- 608-wd-mariz-rex-etc

Si Mrs. Marina “Tya Nena” Adivoso ay hindi na nakapag asawa at ginugol ang panahon sa pagtuturo bilang guro sa Chung Hua High School. Maraming mga kilalang mga negosyante sa lalawigan ang dumaan sa pagigig mag aaral ni Tya Nena. Kabilang na dito si Fortunato “Atoy” Co na naging sikat na PBA Superstar sa koponan ng Crispa, gayundin si Ricardo “Ricky” Lee na tanyag sa larangan ng panulat sa pelikula at telebisyon.

Nakahimlay ang labi ni Tya Nena sa St Peter Funeral Homes sa F. Pimentel Ave. sa Barangay Magang.

Camarines Norte News

Photo Courtesy of Rex Adiviso Bernardo