ulat-2017-608

January 17, 2017, Labo, Camarines Norte – Dinaluhan ng daang daang mga mamamayan ng Labo ang isinagawang ulat sa bayan ng Mayor Joseph Ascutia ng bayan ng Labo, Camarines Norte.

Isinagawa ito kasabay ng 2016 Legislative Report ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ni Vice Mayor Severino Francisco Jr., sa kanilang 1st Regular Session kahapon na ginanap sa Labo Convention Center.

Laman ng ulat ng aklaade ang kanyang mga naging accomplishment sa loob ng anim na buwang panunungkulan matapos na muling maihalal nitong nakatalikod na taon, buwan ng mayo, at sa ikalawang pagkakataon bilang alkalde ng bayan ng Labo.

Ilan sa mga nais mangyari ni Ascutia ay ang magkaroon ng dagdag pagkakakitaan ang kanyang mga maliliit na kababayan, , maging madali ang pagpasok sa paaralan ng mga mag aaral, magkaroon ng hanap-buhay, maging ligtas sa mga bagyo at kalamidad, at maging magaan ang pamumuhay ng bawat mamamayan.

Patas din ang pag tingin ng alkalde sa lahat ng sektor ng kanyang bayan mula sa mga kabataan, senior citizens, kababaihan, kalalakihan, PWDs at higit sa lahat ang mga mahihirap ng mga mamamayan na mas nangangailangan ng pagkalinga at gabay ng pamahalaan.

Malaki ang pasasalamat ni Mayor Joseph Ascutia sa mga mamamayan ng Labo sa ikalawang pagkakataon ay nagtiwala sa kanyang kakayanan. Ito anya ang kanyang pinaghuhugutan ng inspirasyon para mas lalo pang pagsikapan na maihatid ang sa kanyang mga mamamayan ang bawat sentimo na pag-aari ng mapahalaan sa pamamagitan ng malinis na serbisyo at totoong mga proyekto.

Samantala, maliban sa mga nasimulan nang proyekto katulad ng Labo Grand Central Terminal at ilang mga pagawaing bayan, inilatag din ni Ascutia sa kanyang ulat ang umaabot sa 96,360,857.00 na halaga ng proyekto na nakahanay ngayong taong 2017 para sa mga mamamayan ng Labo.

Narito ang mga proytektong nakahanay ngayong taon para sa nasabing bayan:

1. Construction of Disaster Office cum Evacuation Center – P10,000,000.00
2.Construction of AA Slaughterhouse – P9,000,000.00
3. Flood Control Project – P5,000,000.00
4. Renovation of Mayor’s Office – P4,000,000.00
5 Improvement of former PNB Office – P3,000,000.00
6. Improvement of Poblacion Drainage – P2, 500,000.00
7. Construction of slope protection at Hagdan Bato – P2,500,000.00
8. Canapawan Local Access Road – P2,500,000.00
9. Construction of SPED Center at Central School – P2,100,000.00
10. Roofing of Municipal Building – P2,000,000.00
11. Construction of River Promenade – P2,000,000.00
12. Renovation of Sports Plaza cum Evacuation Center – P2,000,000.00
13. Construction of Covered Court cum Evacuation Center at Brgy. Dumagmang – P2,000,000.00
14. Concreting of FMR at Brgy. Cabatuhan – P2,000,000.00
15. Purchase of Rescue Vehicle – P1,800,000.00
16. Construction of High School at Brgy. Malibago – P1,700,000.00
17. Construction of High School at Brgy. Calabasa – P1,600,000.00
18. Renovation of Roofing at Public Market – P1,500,000.00
19. Napaod-Benit Water System Project – P1,500,000.00
20. Daguit-Malangcaobasud Water System Project – P1,500,000.00
21. Bayanbayan-Matanlang Water System Project -P1,500,000.00
22. Construction of SPED Center at Claudio Villagen Elementary School – P1,500,000.00
23. Purchase of Day Care Books – P1,300,000.00
24. Improvement of Ground Floor Lobby of Municipal Building – P1,000,000.00
25. Renovation of Toilet and Stage at Labo Sports Plaza – P1,000,000.00
26. Purchase of Rescue Equipment – P1,000,000.00
27. Purchase of School Arm Chair – P1,000,000.00
28. CCTV at Poblacion – P1,000,000.00
29. Construction of Tourism Office cum Information Center – P1,000,000.00
30. Tourism Infrastructure Project at Brgy. Fundado – P1,000,000.00
31. Water Rafting Project at Busig-On River – P1,000,000.00
32. Construction of Awning at Labo Public Market Bldg. – P1,000,000.00
33. Completion of Water Supply System at Brgy. Malatap – P1,000,000.00
34. Concreting of FMR at Brgy. Guisican – P1,000,000.00
35. Concreting of FMR at Brgy. Malangcaobasud – P1,000,000.00
36. Concreting of FMR at Brgy. Calabasa-Pagasa Road – P1,000,000.00
37. Concreting of FMR at Brgy. Tigbinan – P1,000,000.00
38. Concreting of FMR at Brgy. Bagong Silang II – P1,000,000.00
39. Concreting of FMR at Brgy. Bagong Silang III – P1,000,000.00
40. Concreting of FMR at Brgy. Baay-Tulay na Lupa Road – P1,000,000.00
41. Construction of ALS Training Center at Brgy. Tulay na Lupa – P1,000,000.00
42. Construction of ALS Training Center at Brgy. Tigbinan – P1,000,000.00
43. Concreting of FMR at Brgy. Matanlang – P1,000,000.00
44. Concreting of FMR at Brgy. Lugui – P870,000.00
45. Construction of Evacuation Center at Brgy. Bagong Silang III – P774, 681.00
46. Concreting of FMR at Brgy. Exciban – P500,000.00
47. Concreting of FMR at Brgy. Bagong Silang I – P500,000.00
48. Concreting of FMR at Brgy. Talobatib – P500,000.00
49. Concreting of FMR at Brgy. Bulhao – P500,000.00
50. Concreting of FMR at Brgy. Submakin – P500,000.00
51. Concreting of FMR at Brgy. Bayabas – P500,000.00
52. Concreting of FMR at Brgy. Calabasa – P500,000.00
53. Concreting of FMR at Brgy. Masalong – P500,000.00
54. Concreting of FMR at Brgy. Mabilo I – P500,000.00
55. Concreting of FMR at Brgy. Napaod – P500,000.00
56. Concreting of FMR at Brgy. Mahawan-hawan – P500,000.00
57. Construction of Evacuation Center at Brgy. Daguit – P500,000.00
58. Constructionof Drainage System at Brgy. Tulay na Lupa – P500,000.00
59. Lighting Pacility at Amphitheater -P500,000.00
60. Construction of Stage at Amphitheater – P500,000.00
61. Construction of Sidewalk at Labo Convention Center – P500,000.00
62. Purchase of Traffic Sign – P500,000.00
63. Installation of CCTV at Central Terminal – P500,000.00
64. Construction of Evacuation Center at Brgy. Malasugui – P469, 176.00
65. Improvement of RHU Conference Hall – P400,000.00
66. Construction of Evacuation Center at Brgy. Malaya – P400,000.00

Sinabi din ng alkalde na maliban sa mga nabanggit na proyekto ay pagsusumikapan din nyang matugunan ang ilan pang mga pangangailangan ng bawat barangay na maaaring hindi pa napasama sa hanay ng mga proyekto ngayong taon. Batid ng alkalde na marami pang mga barangay sa bayan ng Labo ang may mga pangangailangan pa ring mga proyekto at hindi nya umano kinakailimutan ito.

Gayunpaman, tiniyak ng alkalde na sa tamang panahon at pondo ay matutugunan din ang lahat ng mga pangangailangan sa lahat ng barangay sa kanyang bayan.

Ang nasabing Ulat sa Bayan ni Mayor Joseph Ascutia ay dinaluhan ng kabuuang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Labo, ilang mga opisyal ng lalawigan, dumalo din ang mga punong Barangay at mga kinatawan mula limamput dalawang barangay ng Labo at ilan pang mga mamamayan at taga suporta ng alkalde.

Samantala, sa nasabing pagtitipon, kasunod na ring isinagawa dito ang 1st Quarterly Development Council Meeting ng pamahalaang lokal ng bayan ng Labo na dinaluhan naman ng mga Department Head at ilan pang mga miyembro ng nasabing konseho.

 

Camarines Norte News
Photo credits to Yoyoy Pandi