608-covered-court

January 18, 2017, Daet, Camarines Norte – Sa pagpasok ng taong 2017, sisimulan na ni Mayor Benito “B2K” Ochoa ang ilang mga proyekto at programang nakahanay sa kanyang administrasyon.

Kabilang na dito ang Multi-Purpose Covered Court sa harapan ng Pamahalaang Gusali ng Daet sa Barangay Pamorangon na pinondohan ng nagkakahalaga ng tatlong milyong piso.

Ang nasabing Multi-Purpose Covered Court ay sasakop sa kabuuang harapan ng gusali upang mas malawak ang malalagyan ng bubong sa layuning mapakinabangan din ito sa ibang mga programa o gawain sa nasabing lugar.

Mas mataas din ito kesa sa ordinaryong covered court upang hindi matakpan ang harapan ng gusali ng munispyo partikular ang pangalan sa harapan nito.

Nito lang mga nakatalikod na araw, inihahanda na ang pagpapatrabaho dito upang agaran ding mapasimulan upang magamit at mapakinabangan na ng mga mamamayan ng Daet.

Una nang isinaayos ni Mayor Ochoa ang Basketball Court na nilagyan ng matibay at maayos na Basketball Board/Goal na yari sa Fiber Glass na sa ngayon ay nagagamit na ng mga kabataan sa kanilang paglalaro ng basketball. Ayun kay Ochoa, bukas ang nasbing palaruan sa sinuman na kabataan na nag nanais na maglaro dito.

Pinalagyan na rin ng mga ilaw sa nasabing lugar upang mas maging maliwanag at makapaglaro ang mga kabataan kahit na sa oras ng gabi.

Isa ang sports sa mga nais palakasin ni Mayor Benito Ochoa para sa mga kabataan kung kaya’t isa ito sa kanyang binigyan pansin at upang hindi na rin mabasa ng ulan at mabilad sa ilalim ng araw ang mga kawani ng munisipyo sa tuwing nagkakaroon ng programa sa nasabing municipal ground.

Camarines Norte News