GARCERA-Lipa-608

Feb. 3, 2017, Daet, Camarines Norte – Itinalaga na ni Pope Francis si Bishop Gilbert Garcera ng Diocese of Daet bilang bagong Arsobispo ng Lipa City, sa lalawigan ng Batangas, kapalit ng nagretirong si Archbishop Ramon Arguelles na nanilbihan sa nasabing posisyon sa loob ng labing tatlong taon.

Nahalal si Bishop Garcera tatlong araw matapos ang kanilang isinagawang bi-annual meeting sa Maynila noong Enero 20 hanggang 30, 2017.

Ipinanganak si Garcera noong Pebrero 1959 sa Magarao, Camarines Sur. Nagtapos ng kanyang elementarya sa Naga Parochial School at pumasok sa Semenaryo sa Holy Rosary Seminary sa Lunsod ng Naga. Naging ganap na pari sa edad na 24 na inordenahan sa Naga Metropolitan Cathedral.

Taong 2007 nang maitalaga si Garcera bilang Obispo ng Diocese of Daet ng ngayon ay Pope Emeritus Benedict XVI.

Nagtapos sya ng Masters Degree in Theology sa Ateneo de Mannila Unversity, napaka dalubhasa sa Organizational Planning and Development sa SAIDI sa Antipolo City.

Dati rin syang nanungkulan bilang Assistant Secretary General ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at nanilbihan bilang national director ng Pontifical Mission Societies. Naging miyembro din si Garcera ng Superior Council of the Pontifical Mission sa Roma simula taong 2004 hanggang 2007.

Noong Oktubre 2015, nakasama si Garcera bilang isa sa anim mula sa 270 Cardinals and Bishops at labing walong pamilya na mapalad na pinahintulutan na makadalo sa makasaysayang Synod of Bishops on the Family sa Vatican.

Sa kasalukuyan, sya ang tumatayong pinuno ng Bishops’ Commission and Family and Life at aktibong miyembro ng CBCP Permanent Council.

Samantala, si Archbisop Ramon Arguelles na kanyang pinalitan ay nagretiro tatlong taon bago ang mandatory retirement na 75 taon matapos na magpaalam at maaprubahan ng Santo Papa.

Kilala si Archbishop Arguelles sa kanyang hayagang pagtutol sa at pagtuligsa sa nagaganap na Extra-Jucidial-Killings of EJK sa bansa. Lantaran din ang kanyang paninidigan sa pagpoprotekta sa kasagraduhan ng kasal.

Ilan pa sa mga adbokasiya ng nagretirong Arsobispo ay ang paglaban sa Illegal Mining, Coal-fired power plant at ilan pang mga banta sa kalikasan.

Sa kabila ng pagreretiro, tuloy pa rin sa kanyang mga adbokasiya si Arguelles bilang kanyang hangarin na sa isang makaDiyos at makakalikasang na bansa.

(RELATED NEWS)

Kahapon, Pebrero 2, 2017, itinalaga na rin si Rev. Father Ronald Anthony Timoner bilang bagong Parish Priest ng St. John De Baptist Church sa bayan ng Daet, kapalit ni Bishop Garcera na pansamantalang pinamunuan ang St. John sa pagretiro ni Msgr. Cezar Echano. Mismong si Archbishop Garcera na rin ang nagtalaga kay Timoner bilang kanyang kapalit sa St. John Parish.

Ginampanan ni Father Timoner ang pagiging Chancellor sa loob ng siyam na taon bago naitalaga bilang kura paruko Parokya ng San Juan Bautista.  Isang Motorcade at Banal na misa ang isinagawa bilang bahagi ng pagkakatalaga kay Father Timoner.

Dinaluhan ng iba’t ibang mga religious organization ang nasabing installation, gayundin ang mga pastoral council sa mga barangay ng nasasakupan ng parokya at maging ang buong pamilya ni Governor Edgardo Tallado na nagpahayag ng buong suporta sa mga programa ng simbahan.

Sakop ng Parokya ng San Juan Bautista ang Barangay 1, 2, 3, Camambugan, Cobangbang, Mambalite, Pamorangon, Magang, Mancruz, San Isidro, Calasgasan at Bibirao.

Fr.-Tonet-608-3

Fr.-Tonet-608 Fr.-Tonet-608-2

Samantala, ayun naman kay Rev. Father Mandi Orido, Chairman ng Commission on Social Communications and Mass Media ng Diocese ng Daet, wala pa namang nagaganap na pag galaw sa hanay ng mga kaparian sa lalawigan ng Camarines Norte dahil kinakailangan munang dumaan sa Canonical Possession si Archbishop Garcera sa Lipa city, bago mag e-elect naman ang mga kapariang miyembro ng Board of Consultors ng kanilang magiging Diocesan Administrator.

Posible matagalan pa anya bago ang pag aappoint ng kapalit ni Archbishop Gilbert Garcera bilang Obispo ng ng Daet dahil mahabang proseso anya ito.

Aminado naman si Father Mandi na nabigla at nalungkot sila sa nakatakdang paglipat ni Garcera patungo sa lunsod ng Lipa, subalit positibo naman ang kanilang pananaw dito dahil mas mapapalawak pa ang serbisyong magagawa ni Garcera sa kanyang lilipatan, hindi lamang sa mga mananampalatayang katoliko kundi maging sa kanilang mga kapwa kaparian.

 

Rodel Macaro Llovit

Camarines Norte News

Photo courtesy of Fr. Mandi Orido FB

Joana Kristine Ella, Julia Nicole Calnea De Guzman