Palarong-Bikol-2017-608-1

Pebrero 8, 2017, Legaspi City – Katatagan at pagsisikap ng mga bikolano ang naging kasangkapan upang matuloy ang Palarong Bikol 2017 matapos manganib na hindi ito matuloy ngayong Pebrero matapos na bayuhin ng bagyong Nina ang rehiyong Bikol nitong nakatalikod na taon buwan ng Disyembre 2016.

Ayon kay DepEd Regional Director Ramon Fiel Abcede, dahilan sa mga pinsala ng katatapos na bagyo, gagawin na lang aniya sanang selected games ang palaro sa mga piling lugar na lamang ng rehiyong  Bikol ang palaro subalit dahil sa ipinapakitang suporta ng mga Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang panlunsod sa rehiuyong bikol ay natuloy at nagkaroong katuparan ang papapatuloy ng taunang palaro. Labis itong ipinagpasalamat ng nasabing opisyal.

Pinangunahan ng pamahalaan panlusnod ng Legazpi City ang pagpupursige upang matuloy ito sa paglalaan ng 15-m pisong pondo upang isaayos ang mga playing venues at billeting stations na una nang sinira ng kalamidad.

Binubuo ng 21 ibat ibang laro ang Palaring Bikol na ginaganap ngayon sa 24 na venues sa mga bagong gawa at ilang nirehabilitate na sports complex.

Palarong-Bikol-2017-608-2

Binubuo naman ang lahat ng mga delegado ng palarong bikol ng halos 7,407 partisipante.

746 mula sa lalawigan ng Sorsogon, 790 ang Camarines Sur, 720 sa Camarines Norte, 585 mula sa Masbate Province, 495 sa Masbate City, 435 mula sa Sorsogon City, sa Ligao City ay 346, Iriga City na 412, Naga City 720, at ang Host na Legazpi City ay may 600 partisipante. Pinakamarami ang Albay na may 850 at pinakonti ang Catanduanes na may 100 lamang.

Nagsimula ang Palarong Bikol Pebrero a-5 at magtatapos Pebrero a-10, 2017.

Ssa lalawigan ng Camarines Norte, base sa ordinansa, tatanggap ng insentibong pinansyal ang lahat na atletang makakakuha ng gintong medalya mula sa nasabing palaro.

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News