Jpeg

Pebrero 7, 2017 (Daet, Camarines Norte) – Humarap sa mga kasapi ng media sa lalawigan ng Camarines Norte ang Juvenile Justice and Welfare Council ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makipag talakayan patungkol sa  Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na siyang inamyendahan naman ng RA 10630 o ang “Strengthening the Juvenile Justice System in the Philippines” na naisabatang noong October 3, 2013.

Jpeg

Naging tagapag salita ng ahensya si 2nd Assistant Provincial Prosecutor Athena Oco-Boada, ipinaliwanag nito ang nilalaman ng naturang batas. Layunin umano ng batas na ito na panatilihin ang minimum age na 15 taong gulang para sa mga tinatawag na Children in Conflict with the Law o CICL o iyong mga mga kabataang nagkasala sa batas na ma abswelto sa anumang criminal liability.

Samantala ang kabataan naman na edad 12 hanggang 15 taon gulang na nakagawa ng mga krimen tulad ng parricide, murder, infanticide, kidnapping at serious illegal detention kung saan ang biktima sa ginahasa at napatay, robbery, with homicide or rape, destructive arson, rape, or carnapping sa ilalim ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ay iko konsiderang  “neglected child” sa ilalim na rin ng  Presidential Decree No. 603, at sapilitang ilalagak sa isang youth care facility katulad ng Bahay Pagasa o tinatawag ding Intensive Juvenile Intervention and Support Center. Dito sila sasailalim sa mga center-based interventions program upang tulungan silang makapag bagong buhay katuwang ang kani kanilang mga kapamlya o kamag anak.

Jpeg Jpeg

Ang mga CICL naman na walang “discernment” o kawalan ng sapat na pag intindi sa tama at mali ay isasailalim sa intervention o mga systematic social protection programs na dinisensyo base sa kanilang physical at social well-being. Habang ang mga CICL na natukoy na may discernment ay kailangang sumailalim naman sa tinatawag na diversion o mga alternatibong pamamaraan na maaring gawin ng isang CICL upang ganap na ito’y makapag bagong buhay.

 

Bago matapos ang nasabing bukas na talakayan ay ibinahagi rin ng pamunuan ng Provincial of Social Welfare and Development Office ang planong pagtatayo ng Bahay Pagasa sa lalawigan ng Camarines Norte na siyang kauna unahang sa buong rehiyon Bicol upang tulungan ang mga CICL na makapag bagong buhay at paunlarin ang kanilang mga sarili upang maging produktibong mamayan ng lalawigan.

 

 

Camarines Norte News