Camp Elias Angeles,Pili,Cam Sur- Nakilala na ang apat naNPA na namatay sa engkwentro na nangyari kahapon ng umaga sa Brgy Pangle, Aroroy, Masbate.

Kinilala ni 2nd infantry Battalion Commander Lt. Col. Redintor Cabanizas ang mga namatay na sina Luis Gonzaga aka Jaypee, Kumander ng komiteng seksyon sa platoon 2 (kspn 2) komiteng pangprobinsya masbate, isang alyas erwin vice kumander ng KSPN 2, Jerome Verano aka Ruben at Mark Tugbo aka Frank nakuhanan sila ng mga baril dalawang M16, dalawang M14 at isang M203 grenade launcher.

Ayon sa pahayag ni 9ID commander Major General Manolito Orense pinapasalamatan at pinuri nila ang tropa ng 2nd infantry battalion at 903rd infantry brigade dahil aniya sa buong Pilipinas dito sa Bicol ang may magandang akomplisemento na nagresulta ng apat ang patay sa mga rebelde.

Iginiit ni Major General Orense na hindi sila masaya kung mayroon mga namamatay na rebeldeng NPA dahil sa kapwa pilipino na sana aniya huwag nang humantong pa sa digmaan.

Muling nanawagan si MGen Orense sa mga Rebeldeng NPA na sumuko na lang ng mahusay at mayroong programa ang gobyerno para sa mga rebelde ito ang comprehensive local integration program.

Ruel Ssaldico DZRH

For Camaries Norte News