high-tide-1-608

high-tide-2-608

Pebrero 9, 2017, Daet, Camarines Norte – Walong kabahayan ang nilamon ng dagat sa Purok 3, Barangay 6, Mercedes, Camarines Norte dulot ng hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig o high tide.

Alas diyes ng gabi sabay sabay na naramdaman ng ilang residente ang biglang pagguho ng kani kanilang mga bahay at pinasok ng tubig dagat ang loob na umabot ng halos 1.73 metro o katumbas ng 4.5 talampakan na taas at dinala papagitna ng bumalik ang alon.

Agad namang rumisponde ang MDRRMO Mercedes sa nasabing lugar at kagya’t na dinala sa Barangay Evacuation centers ang nasalanta.

Maliban sa walong kabahayan, pinalikas na rin ng pamahalaang lokal ng Mercedes patungo sa sa evacuation center ang ilang pang mga residente malapit sa lugar upang maiwasan ang anupamang disgrasya sa mga naninirahan doon.

Kinabukasan sinukat ng MDRRMO ang gumuhong baybayin na umabot ito sa 9.144 metro o 30 talampakan ang haba.

Muling tinambakan ng lupa ng mga residente ang nahukay na lupa dulot ng high tide habang isa-isang pinulot ang mga kagamitang naiwan sa baybayin.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Jude Hernandez, pinuno ng MDRRMO, sinabi nitong hindi nila papayagang makabalik kaagad ang ilang mga residenteng nakatira sa itinuturing na high risk area.

Naghanda na rin ng budget ang Pamahalaang Lokal ng Mercedes ng halagang 9 na milyong piso upang ipambili ng lupang paglilipatan ng nasabing mga residente.

 

Photo courtesy of MDRMMO-Mercedes

 

Orlando Encinares

 Camarines Norte News

09293187263