Gov-CA-Injuction-608

Pebrero 11, 2017, Daet, Camarines Norte – Isang araw bago mag expire ang 60-Day Temporary Restraining Order (TRO) para sa dismissal ni Gobernador Edgardo Tallado, Pebrero 9, 2017, ibinaba ng court of appeals ang panibago nitong desisyon para sa pagkakaloob sa gobernador ng kahilingan nito na Writ of Preliminary Injuction para pa rin sa naturang kaso.

Tuluyan nang inalis ang TRO at sa ngayon ay umiiral na ang Writ of Preliminary Injuction na nag aatas sa Ombudsman at Department of Interior and Local Government DILG na huwag nang ipatupad ang naunang desisyon ng Ombudsman na dismissal laban kay Tallado.

Paliwanag ni Atty. Don Culvera, Acting Provincial Legal Officer ng pamahalaang panlalawigan, tanging ang Korte Suprema na lamang ang makapagbabago ng sitwasyon.

Wala na anyang magiging pag galaw hanggang hindi tuluyang nadedesisyunan ang orihinal na kasong pinagmulan ng nasabing dismissal.

Sa ngayon, sinabi naman ni Sherwin Mata, Provincial Information Officer ng pamahalaang panlalawigan na dahil sa pinakahuling desisyon ng korte pabor kay Gobernador Tallado, mas lalong makakapagtrabaho na ng matiwasay ang gobernador para sa kapakanan ng mga mamamayan ng lalawigan ng Camarines Norte.

Camarines Norte News