sunog-1-608

sunog-4-608

Pebrero 14, 2017, Paracale, Camarines Norte – 20 kabahayan ang tinupok ng apoy sa Bgy. Poblacion Sur,Paracale, Camarines Norte pasado alas 9 ng umaga kanina.

Agad namang tumugon ang mga bumbero mula sa Paracale Fire Station, subalit kinakailangan nilang humingi ng tulong sa karatig bayan ng Jose Panganiban bunsod ng kawalan ng fire truck matapos itong maideklarang unserviceable nito pang nakatalikod na buwan.

Apat na bumbero mula sa mga bayan ng Labo, Daet, Vinzons at Jose Panganiban ang nagtulong tulong upang apulahin ang sunog na umabot sa task force alpha.

sunog-2-608

Matinding batikos naman mula sa mga netizens ang inabot ng BFP-Paracale matapos na hindi makaresponde ang kanilang fire truck sa nasabing sunog kaya ang resulta ay maraming naabong mga kabahayan.

Inaalam pa ng mga taga BFP ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng natupok.

Pansamantalang inilagak sa Bgy. Evacuation centers ang mga pamilyang nasunugan at inaalam pa din ang kabuuang bilang ng mga ito.

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News

09293187264