sg-608

Pebrero 25, 2017, Daet, Camarines Norte – Nagpamalas ng angking talento at kakayahan sa larangan ng sining ang mga piling mag aaral mula sa ibat ibang  paaralang elementarya at sekondarya sa bayan ng Daet sa ika-walong (8th) Sining Galing na handog ng LGU-Daet  sa pamamagitan ng Muncipal Tourism Office ng nasabing bayan.

Ginanap ang nasabing patimpalak sa Daet Heritage Center  kahapon, Pebrero 24, 2017 na dinaluhan ng mga delegado mula sa labing walong (18) paaralang elementarya at sampung (10) paaralang sekondarya sa naturang bayan.

Nagkaroon ng dalawang kategorya ang patimpalak. Isa dito ang elementary category para sa mga mag aaral mula  ika-lima (V) at ika-anim (VI) na antas at secondary category naman para sa mga mag aaral ng sekondarya  mula ika-siyam (IX) hanggang ika-labing isang (XI) antas. Nagkaroon ng kabuuang isang daan at apatnapung (140) kalahok ang nasambit na patimpalak.

Naglaban laban ang mga mag aaral sa larangan ng vocal solo, poster making, photo contest at essay writing.

Nagkamit ng parangal sa kani-kaniyang larangan ang mga sumusunod na mag aaral:

ELEMENTARYA

Vocal Solo

1ST : Ma. Chayena Sendon (Moreno Integrated School)

2ND : Justine Yago (Alawihao ES)

3RD : Shanella Marie Gonzales (CNSC-Abaño Elem. Dept.)

 

Poster Making

1ST: Gweneth Puso (Mantagbac ES)

2ND : Shelly Mae Mijares (Daet ES)

3RD : Queen Rea Ambrona (Pandan ES)

 

Photo Contest

1ST : Sophia Marielle Lopez (Daet ES)

2ND : Lexuz Aylwin Zane Jordas (MCE Academy)

3RD :Althea Iligan (Anita V. Romero ES)

 

Essay Writing

1ST : Migz KC Mikylo A. Genilo  (Daet ES)

2ND: Ashley Flor Azaña  (Pandan ES)

3RD : Audrey Nicole S. Abejero (Mantagbac ES)

elem1 elem2

elem3 junior-1

junior2junior-2

 

SEKONDARYA

Vocal Solo

1ST : Catlyn Joy Labrador (Mabini Colleges HS Dept.)

2ND : Eunice Cagas (Moreno Integrated School)

3RD : Kerby Dane De Leon (Alawihao Natl. HS)

 

Poster Making

1ST : John Albert Florendo (ChungHua HS)

2ND : Jaypee Arillas (OLLCF HS Dept.)

3RD : Joshua Puso (CNNHS)

 

Photo Contest

1ST : Gweneth Yvone De Mesa (CNSC-Abaño HS Dept.)

2ND : Julius Madrid (Mabini Colleges HS Dept.)

3RD : Julia Nicole Andrade (MCE Academy)

 

Essay Writing

1ST : Shiela May Macaroncio (Alawihao Natl. HS)

2ND : Patrice Jean Asis (Mabini Colleges HS Dept.)

3RD : Lyn B. Abilgos (Vicente L. Basit Natl. HS)

Nakatanggap ng cash prize at trophy ang mga mag aaral na nakakuha ng unang pwesto at  medalya at certificate naman para sa mga nakakuha ng ikalawa at ikatlong puwesto

Humigit sa inaasahan ang bilang ng mga lumahok kayat plano ng naturang ahensya ng gobyerno na mas paigtingin pa ang preparasyon sa susunod na isagawang muli ang nasabing patimpalak at gawing lima ang mabigyan ng parangal mula sa dating tatlo.

 

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News