NPA-608

Marso 17, 2017, Daet, Camarines Norte – Isang malaking kasinungalingan umano ang pahayag ng 9th ID, Philippine Army (PA) na isang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay at nasamsaman ng armas, bala’t kagamitan sa isang engkwentro sa Sitio Public, Barangay Itok, Capalonga nitong Miyerkules, Marso 15, 2017.

Ayun sa tagapagsalita ng Armando Catapia Command ng NPA sa lalawigan ng Camarines Norte na si Carlito Cada, wala umanong naganap na engkwentro sa pagitan ng Philippine Army at alinmang yunit ng Armando Catapia Command ng New People’s Army, Camarines Norte.

Ayun pa sa rebeldeng grupo, pinabulaanan umano ng mga residente ng Barangay Itok na may naganap na engkwentro dito.

Sa kanilang panimulang pag-iimbestiga, napag-alamang isang sibilyang magsasakang nagngagangalang Obina (apelyido) ang inakusahang kasapi ng NPA at pinatay umano ng mga elemento ng 9th ID, sa pamumuno ng isang Sgt. Hernandez, sa Barangay Mactang, kalapit na baryo ng Barangay Itok.

Inakusahan pa ng Armando Catapia Command na ang karahasang ito ay bahagi ng di-makatarungang all-out war sa ilalim ng huwad na Oplan Kapayapaan ng pamahalaang Duterte.

Ayon sa Ang Bayan, mula nang ideklara ang Oplan Kapayapaan, hindi bababa sa tatlong magsasaka kada linggo ang pinatay ng mga armadong pwersa ng estado.

Katulad din umano ng mga nakaraang administrasyon, pinatutunayan din ng kasalukuyang pamahalaang ang kawalang bagahala sa buhay ng mga inosenteng sibilyan. Patuloy din umano sa ngayon ang paghahasik ng terorismo ang Philippne Army upang maghasik ng takot sa mga mamamayan dahilan sa bigong pagtatangka nitong ilayo ang mamamayan sa rebulusyunaryong kilusan. Mariing kinokondena ng Armando Catapia Command ang anila’y maka-teroristang karahang ito.

Magugunitang napaulat mula sa kampo ng military na isang lehitomong engkwentro ang naganap ng nasambit ng petsa bayan ng Capalonga.

Ayon sa ulat na ipinalabas ni Brig. Gen. Rolando C. Manalo, Brigade Commander ng 902nd Infantry Brigade kay Maj. Gen. Manolito P. Orense, Commander ng 9th Infantry Division ng Philippine Army habang nagsasagawa ng combat operation ang mga sundalo mula sa 9th Infantry Battalion ng makasagupa ang mahigit kumulang limang NPA ng KSSI 2, KSPN2.

Naiwan pa umano sa pagtakas ng mga itinuturing na rebelde ang bangkay ng isa nilang kasamahan na nasawi makaraan ang limang minutong bakbakan.

SEE RELATED NEWS ! Click this —- > 1 NPA, PATAY SA ENGKWENTRO SA BAYAN NG CAPALONGA! ARMAS, MGA BALA AT IBA PANG KAGAMITAN, NASAMSAM!

 

Camarines Norte News