cnphnew608

Marso 28, 2017, Daet,  Camarines Norte – Target ng masimulan ang konstruksyon ng mas malaking Out Patient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) bago ang buwan ng Hunyo ngayong taon.

Ito ay ayon sa panayam ng mga mamamahayag kay Provincial Health Officer Dr. Arnulfo Salagoste.

Ayon sa opisyal, hinihintay na lamang na maayos ang pondo na manggagaling sa Department of Health (DOH) para sa bagong OPD Department na nakatakdang itayo sa bakanteng lote sa may likod ng CNPH kung saan ay kaya umanong iaccomodate ang mahigit isangdaan (100) na pasyenteng nagtutungo araw-araw sa nasambit na ospital.

Bahagi umano ang pagtatayo ng naturang OPD ng Hospital Development Program kung saan nakapaloob din ang iba pang kaugnay na Infrastructure Projects.

Dagdag pa ni Salagoste, isa isa na rin umanong nagsisidatingan ang mga bagong medical equipments na dati na umano nitong hiniling sa DOH.

Kabilang sa mga equipments na paparating ang CT scan machine, dalawang (2) bagong x-ray machine na ang isa ay fix sa ospital at isang portable at dialysis machine.

Sasailalim rin umano ang ilang tauhan ng CNPH sa training upang paghandaan ang pagdating ng mga nasabing equipment at nang maging operational na ang mga ito.

Nakatakda umanong mag conduct ng inspeksyon ang DOH upang alamin ang kahandaan ng mga pasilidad ng CNPH na paglalagyan ng mga nasambit na equipments na sa ngayon ay 95% na umanong tapos.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

 

More NEWS?

Visit our HOME                                    For Daily News Update                     Follow us on Twitter

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150