lmcn.608.4

lmcn.608.3 lmcn.608.2

Abril 2, 2017, Daet, Camarines Norte – Pormal nang nagpakilala ang 19 official candidates ng Little Miss Camarines Norte 2017 sa media presentation na isinagawa kaninang 11:00 ng umaga sa Central Plaza Mall Atrium, Daet, Camarines Norte at kalaunan ay namahagi ng mga regalo bilang bahagi ng outreach program sa mga kabataang kapus-palad ng lalawigan.

Media presentation pa lang ay nagpakitang gilas na ang mga nag gagandahang kalahok  na isa isang nagpakilala sa harap ng mga media represenatatives at publiko.

Kinilala ang 19 official candidates na sina:

  1. Cadence Simounne P. Ocampo, 6 anyos, Howard Montessori School
  2. Julla Zeena A. Badong, 8 anyos, Mercedes, Cam. Norte
  3. Jayme Danielle R. De Lima, Daet, Cam. Norte
  4. Sophia Bernadette C. Bergonio,6 anyos, Daet, Cam. Norte
  5. Dea Amber K. De Mesa, 7 anyos, Today Kids Learning Center
  6. Mary Esther T. Cale, 8 anyos, Daet Elementary School
  7. Danielle Emmanuel Laborte, 9 anyos, Paracale, Cam. Norte
  8. Raeven LouiseVillafranca, 8 anyos, Vinzons, Cam. Norte
  9. Kate Charmelle Aguirre, 9 anyos, Daet, Cam. Norte
  10. Angelique Fe Andaya, 9 anyos, Mercedes, Cam. Norte
  11. Christiana Lois P. Zaño, 9 anyos, Daet, Cam. Norte
  12. Janela Grace C. Pinto, 9 anyos, Daet, Cam. Norte
  13. Janna Leona D. Factor, 8 anyos, San Lorenzo Ruiz, Cam. Norte
  14. Agatha Christie B. Mabeza, 6 anyos, F. Baldivno Elem. School
  15. Miel Jazmin o. Parro, San Vicente, Cam. Norte
  16. Katrice Claire Yaneza, 7 anyos, Daet, Cam. Norte
  17. Ashly Ann B. Aurelia, 7 anyos, Daet, Cam. Norte
  18. Tracy Jeann Faye I. Agpalo, 7 anyos, Howard Montessori School
  19. Francesca Heartly B. Urbano, 7 anyos, Daet, Cam. Norte

Nasungkit ni candidate number 2, Julla Zeena Badong ang kauna unahang award na most behaved candidate na napili base sa kung paano kumilos at naging masunurin ang mga kandidata sa mga nakaraang orientation at rehearsals.

Matapos ang nasabing media presentation, nagpamalas din ng kabutihang loob  ang mga kandidata na namahagi ng mga pre-loved nilang mga kagamitan katulad ng mga damit, sapatos, tsinelas, laruan at mga gamit sa eskwela sa umaabot sa 80 na mga less fortunate beneficiaries ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng lalawigan na dumalo sa nasabing aktibidad.

giftgiving608.3 giftgiving608.2

giftgiving608.1

Dagdag pa sa gift giving ng mga kandidata, nagkaroon din ng libreng meryenda para sa mga naturang benefeciaries, pamamahagi ng mga hygiene kit at libreng vitamins at mga gamot na handog at ipinamahagi ng mga miyembro ng Kiwanis Club of Reina Daeteña.

lmcn.608.5 lmcn.608.6

lmcn.608.7 lmcn.608.8

kit vit

Ang mga nasambit na aktibidad ay naging matagumpay dahil sa pangunguna ng Provincial Government of Camarines Norte, katuwang ang Kiwanis Club of Reina Daeteña at Provincial Tourism Operations Division at sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ayon sa pahayag ng Presidente ng Kiwanis Club of Reina Daeteña na si President Melinda Abastillas sa opening program, ito ay bilang tugon umano sa Kiwanis Dream na masigurong masaya, malusog, ligtas at minamahal ang bawat bata sa ating probinsya lalong lalo na ang mga kapus palad.

final

 

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News