missteencn608

Abril 11, 2017, Daet, Camarines Norte – Muling idadaos ang Miss Teen Camarines Norte “Environmental Princess” beauty pageant bilang bahagi ng Bantayog Festival sa April 19, 2017, 8PM sa Agro-sports Center Provincial Capitol.  Muling magtatagisan ng galing ang mga dalagita mula sa iba’t –ibang bayan at paaralan sa lalawigan ng CamNorte.

Ayon kay Ms. Shiela King, ang president ng JCI Daet Bulawan, na siyang humahawak ng patimpalak na ito, ang advocacy ng pageant ay ipalaganap ang pagmamahal sa kalikasan. Ang mga kandidata ay may mga aktibidad na naglalayong mapangalagaan ang kalikasan tulad ng magrove tree planting, feeding program at clean- up drive.

Bukod sa papremyo, ang mananalong Miss Teen CamNorte ay magiging ambassador sa pangangalaga ng kalikasan. Ang mga kandidata naman na hindi nagwagi ay maaaring maging miyembro ng kanilang junior counterpart ang JCI Daet Lakambini. Ito ay upang magkaroon ng pagpapatuloy ang kanilang mga nasimulan habang sila ay kandidata ng nasabing patimpalak.

May 16 na opisyal na kandidata ang naturang patimpalak na may edad 13 – 16 years old. Bukod sa kanilang mga activities na tungkol sa environmental awareness, meron din silang personality development training and workshop. Ito ay upang maihanda sila sa patimpalak at sa kanilang magiging mga role sa buhay lalo na sa pag-abot sa kanilang mga pangarap. Nagkaroon din sila ng radio guestings sa iba’t-ibang radio stations sa lalawigan.

Ang Miss Teen CamNorte Environmental Princess ay pangatlong beses nang gaganapin bilang bahagi ng Bantayog Festival. Ito ay patimpalak na hindi lang pagandahan kundi lalot’t higit may adbokasiya na makatulong sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang 16 Official Candidates ay ang mga sumusunod:

  1. Desiree Joy Valdez Ambrosio
  2. Rena Villafuerte Yousefpour
  3. Ana Louise Vedad Batalla
  4. Krizza Mae A. Rosima
  5. Angela Florendo Jalgalado
  6. Maria Ligaya S. Gambrill
  7. Therese S. Arana
  8. Micah Ella Jane Arana
  9. Julianne Nicole Rawat Parale
  10. Meliza Yanesa
  11. Geneva Arevalo Villacarlos
  12. Joann Kristhea R. Abanes
  13. Franz Diannes Mago Ramos
  14. Alyssa Mae Villaester Verdejo
  15. Dana Mari De Leon Moog
  16. Cloi Irwin Papa

 

Cres  B. Adlawan

Camarines Norte News

Photos courtesy of Roden Rosario