art3

Abril 19, 2017, Daet, Camarines Norte – Naging matagumpay ang idianaos na kauna-unahang Bantayog Art Awards o BAA sa Daet Heritage Center noong April 17, 2017 sa pangunguna ng Provincial Tourism Operations Division katuwang ang Camarines Norte Artist Group o CNAG.

art1 art2

Ang BAA ay isang art contest para sa mga amateur artists ng CamNorte na may edad 15-25. Ito ay bahagi ng “Kay Ganda ng CamNorte Art Expo” na isang event ng 2017 Bantayog Festival. Ang mga aktibidad sa art expo ay hindi lamang painting contest kundi mayroon ding ginanap na “Art Talk” at “Painting Demo”.

Si Mr. Sigfred Aler, isang College Instructor sa Camarines Norte State College (CNSC) ang siyang naging resource speaker ng “Art Talk”. Ang “Painting Demo” naman ay isinagawa ni Mr. Ruel Santilices, isang magaling na professional artist ng CamNorte.

art4

Maraming kabataan ang nakilahok dito at nagpasalamat sa pagkakataong ibinigay ng Provincial Government na hindi lang maitampok ang kanilang sining kundi madagdagan din ang kanilang kaalaman sa pagpapaunlad ng kanilang sining.

art6

May 24 na kabataang pintor ang lumahok sa Bantayog Art Awards mula sa iba’t-ibang bayan sa CamNorte. Ang lahat ng kalahok ay itinanghal sa Bantayog Art Exhibit na ginanap sa Amorsolo Gallery na nasa loob ng Daet Heritage Center.

art7

Pinangunahan ni Mayor Benito C. Ochoa ng Daet at Mr. Marco Paulo Delfinado, Municipal Tourism Officer ng Daet ang Ribbon Cutting Ceremony na ginanap noong araw ding iyon sa ganap na 7:00 PM ng gabi. Tumulong din sila sa pamimigay ng tropeo at papremyo sa mga nanalong kalahok.

art8 art9

Ang mga nanalo sa First Bantayog Art Awards ay ang mga sumusunod:

MAJOR PRIZES:

First Place      –     John Albert L. Florendo

Second Place  –    Jan Armel L. Abrasado

Third Place     –   Kriszel Malinao

 

FINALISTS

John Patrick L. Abrasado

Jaypee Arillas

Djethrey Galvez

Nathaniel Ken H. Raro

Exequil G. Gallardo Jr.

Flordeliza V. Eboña

Dennis D. Habal

 

Cres B. Adlawan

Provincial Tourism Operations Division

For Camarines Norte News