BAGONG LTO SATELLITE/EXTENSION OFFICE SA BAYAN NG LABO, HINILING NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

608---LTO-satellite

Upang matugunan ang dumadaming bilang ng mga sasakyan sa lalawigan ng Camarines Norte hiniling ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng Resolusyon No. 102-2014 na akda ni Bokal Bong Quibral at Bokal Pamela Pardo na hilingin sa Land Transportation Office (LTO) sa tulong ni Congresswoman Catherine B. Reyes ng Unang Distrito ang pagkakaroon ng Satellite/Extension Office ng Land Transportation Office (LTO).

Ito ay planong ipatayo sa Talobatib sa Bayan ng Labo na nasasakupan ng Unang Distrito ng lalawigan bilang sagot sa mga pangangailangan ng dumaraming bilang ng populasyon at mga sasakyan na bumibiyahe sa loob ng 24 oras sa nasabing bayan at mga karatig bayan sa unang distrito. Una itong binalak na itayo sa bayan ng Sta Elena subalit hindi umano naging praktikal sa usapin ng seguridad sa pag transport ng pera mula sa naturang bayan tungo sa depository bank.

Ang nasabing satellite office ay malaki ang maitutulong upang mabawasan ang bilang ng mga sasakyan na sa Daet pa nagpaparehistro.  Ang mga may-ari ng sasakyan na mula sa bayan ng Sta. Elena, Capalonga, Paracale, Jose Panganiban, at Labo ang syang mabebenepisyuhan kapag natuloy ang satellite office na ito ng LTO.  Bukod sa makakatipid sa gastusin ang mga magpaparehistro mula sa unang distrito, isa rin itong magandang oportunidad upang makahikayat ng mga bagong negosyante na may kinalaman sa mga kakailanganin upang makapagparehistro ng sasakyan.

Nagpadala ng kopya ng nasabing resolusyon sa LTO Regional Office sa Legazpi City. Agad naman itong tinugunan ng LTO Regional Director na si Atty. Noreen Bernadette S. San Luis-Lutey sa liham na ipinadala sa Sangguniang Panlalawigan.  Ayon sa kanya, ang nasabing usapin ay saklaw ng Central Office kung kaya’t hihintayin lamang nila ang magiging desisyon ng Central Office upang mabigyan agad ito ng karampatang aksiyon.  Gayundin, ipinarating ni Atty. Lutey ang lubos na pasasalamat sa lalawigan ng Camarines Norte sa patuloy na pagsuporta sa mga programang iniimplementa ahensya sa pamamagitan ng  LTO Daet District Office.

 

 

Cres Adlawan / Eliza Llovit

CNNews Correspondents

 

 

More NEWS?

Visit our HOME                                    For Daily News Update                   Follow us on Twitter

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150