cervical608

Mayo 11, 2017, Daet, Camarines Norte -Ipinaalala sa publiko ang panganib at pag-iingat dulot ng cervical cancer sa mga kababaihan kaugnay ng isinagawang Media Kapihan na pinangunahan ng Department of Health (DOH) atĀ  Provincial Health Office (PHO) ng pamahalaang panlalawigan kamakailan dito.

Ayon kay Dr. Tess Cortez, medical specialist ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH), ang cervical cancer ay ikalawa sa breast cancer na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga kababaihan.

cervical6082

Batay sa datus ng DOH umaabot sa 500 kababaihan sa buong mundo ang na-diagnose na may cervical cancer sa bawat taon at isa sa mga ito ang namamatay sa bawat dalawang minuto.

Ayon pa kay Cortez na umaabot sa 97 porsiyento ng cervical cancer ay sanhi ng tinatawag na Human Papilloma Virus (HPV) na karaniwang sexually transmitted disease sa Amerika.

Aniya, hindi tulad sa Amerika, sa Pilipinas ay walang masyadong naidokumento dahil mahirap itong ma-diagnose.

Dagdag pa ni Cortez na umaabot sa 50 hanggang 80 porsiyento ng mga kababaihan sa Pilipinas ay nanganganib na magkaroon ng HPV infection at 56 porsiyento na may cervical cancer ay namamatay sa loob ng limang taon dahil hindi agad natutuklasan at kung ma-diagnose man ay huli na.

Pero kung matutuklasan umano nang mas maaga ay maaaring 100 porsiyento na gumaling ang pasyente ayon pa rin kay Cortez.

Sinabi pa ni Cortez na ang cervical cancer ay nakakahawa sa pamamagitan ng skin to skin genital contact o sexually transmitted at hindi kailangan ang ganap na pagtatalik at hindi rin hindi nakakatulong ng 100 porsiyento ang paggamit ng condom.

Karamihan na mayroong HPV infections ay kusang nawawala subalit ang ibang infections ay maaaring manatili sa kwelyo ng matres ng babae at makaraan ang ilang taon ay magiging cervical cancer na ito.

Sa umpisa ay mahirap itong malaman dahil walang sintomas na lumalabas.

Ayon pa sa pahayag ni Cortez na ang mga sintomas ng cervical cancer ay pagdurugo sa pwerta na karaniwan nangyayari matapos ang pakikipagtalik at sa pagitan ng buwanang dalaw, matubig na discharge na may amoy, pananakit ng puson at balakang habang nakikipagtalik.

Payo naman ni Cortez na maging tapat sa mga asawa upang maiwasan ang HPV.

Sinabi pa ni Cortez na ang pap smear ay hindi nakakalinis ng matres dahil ito ay diagnostic procedure lamang at nararapat na simulan ito sa tatlong taon matapos makaranas ng unang pagtatalik at dapat na ipagpatuloy taon-taon sa edad na 30 taong gulang at kung negatibo ito ay pwedeng gawin bawat dalawa hanggang tatlong taon.

Mayroong ng bakuna para sa cervical cancer at maaaring maiwasan ito kung maaagapan na mabigyan ng lunas at ang pinakamabisang paraan umano upang maiwasan ang cervical cancer ay sa pamamagitan ng pagpapabakuna at ang regular na pap smear ayon pa rin kay Cortez.

Nararapat umanong magkaropn ng healthy lifestyle at iwasan ang pagkakaroon ng ibat-ibang karelasyon (sexual partner). Makbubuti rin umanongĀ  iwasan ang makipagrelasyon sa murang edad ganundin ang paninigarilyo.

 

Reyjun Villamonte/Ronald Molina

Camarines Norte News