preg608

Mayo 16, 2017, Daet, Camarines Norte – Ikinababahala ngayon ng Department of Health Camarines Norte ang pagtaas ng bilang ng teenage pregnancies sa lalawigan.

Bagamat walang ibinigay na datos, pinagbatayan umano nila ang bilang ng mga kababaihan na sa murang gulang ay nanganak sa panlalawigang pagamutan (CNPH) .

cnph3-650

Ayon kay Dr. Tess Cortez, Chief of Clinics ng Camarines Norte, nakakabahala aniya ang ganitong sitwasyon sapagkat mataas ang panganib ng cervical cancer sa mga batang ina.

Magugunitang ngayong buwan ipinagdiriwang ang Cervical Cancer Consciousness Month.

Base naman sa tala ng  Media Relation Center ng DOH na nitong nakatalikod na Marso 30 2017, pinakamataas ang pregnancy rate ng Pilipinas sa buong Asya. Nakapagtala sila ng 203,653 na kaso ng pagbubuntis ng mga teen ager na may edad 15 hanggang 19 noong taong 2011 at 209, 872 na kaso naman noong 2014. Nangangahulugang nagkaroon ng 6,219 na pagtaas ng bilang sa loob lamang ng tatlong taon.

Sa buong bansa, nangunguna ang Calabarzon na may 28,605 teenage pregnancy cases , pumangalawa ang Metro Manila na 26, 606 cases at pumangatlo ang Central Luzon na may 24,729 cases ayon na rin sa Population Commission o POPCOM.

Bilang tugon, isinusulong ngayon ang programang Comprehensive Sexuality Education o CSE ng kagawaran bilang alternatibong solusyon.

 

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News