BS16081

Mayo 21, 2017, Labo, Camarines Norte – Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga guro, mga magulang at mga mag aaral ng Bagong Silang 1 High School sa pinasinayaang school road sa kanilang paaralan nitong nakatalikod na Mayo 18, 2017, araw ng huwebes.

Ayon sa punong guro ng nasambit na paaralan na si Gloria Ramores, malaking tulong umano ang naturang kalsada dahil ngayon ay hindi na magiging problema para sa kanila ang pagdating ng tag ulan kung saan tumataas ang tubig at kinakailangan pang magsuot ng bota o magyapak ng mga mag aaral maging ng mga guro tuwing magtutungo sa paaralan.

BS16083

Ang naturang school road ay isa sa mga proyekto ni Mayor Joseph Ascutia ng bayan ng Labo na siyang nanguna sa pagpapasinaya nito. Bahagi rin umano ito ng pakikiumisa ng alkalde sa isinasagawang Brigada Eskwela.

BS16082

Naniniwala si Mayor Ascutia na mahalaga ang pagkakaroon ng maayos at ligtas na kapaligiran para  sa maayos na edukasyon.

Sa pagbisita ng opisyal sa BS1NHS, nabatid rin nito na may kakulangan sa silid aralan ang naturang paaralan dahil sa lumalaking bilang ng mga mag aaral na pumapasok dito. Bilang tugon, nangako ang alkalde na paglalaanan niya n gang pondo ang dalawa (2) pang school building at sisimulan na rin umano ito ngayon taon.

Hinikayat naman  ng alkalde ang kooperasyon ng bawat mamamayan kabilang ang mga guro at magulang upang mabigyan ng maayos na kinabukasan ang lahat ng mag aaral.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Details and photos courtesy of Dwlb Fm Barkada