salagoste2

Hunyo 5, 2017, Daet, Camarines Norte – Sa pagsisikhay ng Pamahalaang Panlalawigan sa liderato ni Gov Egay Tallado at sa pamamagitan ni Provincial Health Officer Dr. Arnulfo Salagoste ay patuloy na naipapatupad ang mga pagbabago para sa lubos na magandang serbisyo sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

salagoste1

Sa nakalap na impormasyon ng Radyo ng Bayan Camarines Norte, kabilang sa mga naging pagbabago matapos ang pag assume sa posisyon ni Dr Salagoste ay ang pagdating at ngayon ay nagagamit na 63 hospital beds na mula sa Department of Health Regional Office V.

Kasama ng mga hospital beds ay ang pag kaka acquire ng iba pang hospital equiptments kabilang ang Dialysis Machine, CT-SCAN, Digital X-ray, Portable X-ray at iba pa.

Patuloy din ang pagsasa ayos sa mga kinakailangan na kawani para sa ma epektibo serbisyo sa mga pasyente. Ipinaliwanag din ni Dr Salagoste na may ilang hospital staff ang sumasailalim sa training at seminars upang mapayabong ang kanilang kaalaman.

Dagdag pa ni Dr. Salagoste na tinutukan din nila ngayon ang usapin sa gamot.Ito rin umano ang rason kung bakit kinakailangan nila na pumasok sa MOA sa isang private pharmacy.

Samantala liban sa serbisyo sa pamahalaan panlalawigan ay aktibo rin ang mga doktor at nurses sa Multi Services Caravan upang maghandog ng libreng check up at gamot sa mga kababayan na nabibisita linggo lingo.

 

Camarines Norte News

From the Press Release of Camarines Norte Provincial Information Office/PIO Sherwin Mata