funbike608

Hunyo 19, 2017, Daet, Camarines Norte – Lumahok ang umaabot sa 200 mamamayan ng  Camarines Norte na libangan ang pagbibisekleta at kaanib sa mga ibat-ibang uri ng sektor upang lumahok sa Riding Connection 4600 Funbike 2017 na ginanap sa Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na sabado, Hunyo 17, 2017.

1 police

Nagsimula sa Daet Heritage Center ang naturang Fun Bike na tinahak ang mga kalsada sa  dalawamput limang baranggay na siyang bumubuo sa bayan ng Daet.

Namigay ang mga sponsors ng dalawang mountain bike, sampung bike tumblers at handle, sampung handgear at sampung headgear sa isinagawang raffle draw matapos ang paglibot sa bayan ng mga siklista.

prize

Ang nasambit na aktibidad ay parte ng ginaganap na Pinyasan Festival 2017 ng bayan ng Daet na naglalayong hikayatin ang lahat na pumadyak gamit ang mga bisikleta at maghatid kaalaman sa mga mamamayan ukol sa kahalagahan ng pag-eehersisyo sa pamamagitan nito.

Dagdag pa dito, layunin din nitong maipagmalaki sa mga siklista ang mga pagbabago at pag unlad na kanilang makikita sa sa bawat barangay na dinadaan ng fun bike.

2

 

Orlando Encinares/Charlotte V. Marco

Camarines Norte News