Fake-Drugs-608

July 13, 2017, Daet, Camarines Norte – Ibinunyag kahapon ni Board Member Stanley Alegre ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang anya’y kumakalat na pekeng gamot sa merkado sa nasambit na probinsya.

Sa kanyang Privilege Speech, ipinakita ni Bokal Alegre ang mga larawan ng mga gamot na umano’y mga peke at posibleng makasira sa kalusugan ng ating mga mamamayan.

Nangangamba ang naturang opisyal na kumalat at lumaki ang suliraning ito kung kaya’t minarapat nyang dalhin ang usapin sa Sangguniang Panlalawigan kasabay ang panawagan sa publiko na maging maingat sa pagbibili ng gamot sa mga botika o saan pa mang nagbebenta ng mga produktong medikal.

Nanawagan din si Alegre sa mga namamahala ng mga pampublikong pagamutan sa Camarines Norte hanggang sa mga Rural Health officials na maging mapanuri upang matiyak na hindi peke ang mga gamot na ipinamamahagi sa mga mamamayan.

Kaugnay nito, hiniling ni Board Member Alegre na maipatawag sa kanilang sesyon ang mga opisyal at kinatawan ng Food and Drugs Administration (FDA) sa lalawigan upang makapag bigay linaw sa usapin at makatuwang kung papano matutuldukan ang usaping ito.

Kaugnay nito, dalawang ordinansa ang nais isulong ni Board Member Stanley Alegre na inaasahang makatutulong upang mapigilan at patigil ang suliraning ito.

Narito ang nilalaman ng kanyang malayang pamamahayag:

 

TAMANG GAMOT PARA SA ATING KALUSUGAN.

Magandang hapon sa inyong lahat, dalawang linggo ang nakakaraan, nang ibinigay sa akin ang mga litrato na ito ng mga gamot na kumakalat sa ating merkado.

Tama ba na ating balewalain ang pagkalat na ito ng mga nasabing gamot?

Hindi po lingid sa ating kaalaman, ang Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas, taong 1987, ay nagsaad ng Layi “ The state shall protect and promote the right of health of people and instill the consciousness among them. “ at, Local Government Code of 1991 ay nag saad ng “Accords every Local government Unit the power and authority to promote the general welfare within its territorial jurisdiction, including the promotion of health and safety of each constituents and to perform such other duties and functions as maybe prescribe by law or ordinance”.

Gusto kong ipakita sa inyo ang larawan ng mga gamot na pwede nating mabili sa mga botika kahit walang reseta o tinatawag na mga over the counter medicines…  at may mga gamot din na kinakailangan ng reseta ng mga doktor bago mo ito mabili at ito ay tinatawag na prescription drugs, na maaaring nasa merkado na, at ito ang tinatawag na counterfeit medicine or hindi orihinal na gamot.

Ano po ba ang epekto nito sa ating kalusugan? Tayo ba ay magagamot ng mga medesinang ito? O masisira ang ating pangangatawan? Pero ang katotohanan, ay tayong mga mamamayan ng probinsya ng Camarines Norte ang lugi rito…

Nais ko pong manawagan sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan na ipatawag sa susunod na sesyon ang mga kawani ng Food and Drug Administration (FDA) para mabigyang linaw ang usaping ito.

Nais ko po sana na sa pamamagitan nitong malayang pamamahayag ay ipagbigay alam sa lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Camarines Norte ang mga larawang ito, para ang ating mga kababayan ay maging maingat, at bumili lamang sa mga lehetimong botika dito sa ating probinsya.

Nais ko rin pong manawagan sa mga botika, partikular ang lokal na pamunuan Provincial Health Office at Rural Health Unit na maging maingat sa pag bili, pag benta at pamimigay ng mga gamot, upang masiguro ang kalusugan ng ating mga kababayan.

Nais ko rin pong mag sponsor/author, katuwang ang ating Bise Gobernador at lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawiigan, ng isang Provincial Ordinance para pangalagaan at pahalagahan ang kalusugan ng ating mga kababayan.

Pamagat ng ordinansa:

  1. AN ORDINANCE PROHIBITING IMPORTERS, DISTRIBUTORS, SELLERS, OWNER, AND/OR OPERATORS OF DRUG STORES, AND/OR PHARMACIES AND OTHER SIMILAR AND OTHER RELATED BUSINESS ENTITIES TO IMPORT, SELL, DISTRIBUTE UNREGISTERED, DISBRANDED AND/OR HAZARDOUS IMPORTED DRUGS, FOODS, COSMETICS AND/OR MEDICAL DEVICES WHERE AT THE LABEL OF WHICH ARE IN FOREIGN CHARACTERS WITHOUT THE CORRESPONDING EQUIVALENT ENGLISH WITHIN THE TERRITORIAL JURISDICTION OF THE PROVINCINCE OF CAMARINES NORTE PRESCRIBING PENALTIES FOR THE VIOLATION THEREOF PROVIDING FUNDS, THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES.

 

  1. AN ORDINANCE PROHIBITING ESTABLISHMENT ENGAGED IN THE MANUFACTURE, CONDUCT OF CLINICAL TRIAL, DISTRIBUTION, IMPORTATION, EXPORTATION AND RETAILING OF DRUGS, FOODS, COSMETICS AND/OR MEDICAL DEVICES PRODUCTS WITHOUT PROPER AUTHORIZATION FROM THE FOOD AND DRUGS ADMINISTATION.

Maraming salamat po.

BM STANLEY ALEGRE

 

Camarines Norte News