mdrrmo608

Hulyo 31, 2017, Mercedes, Camarines Norte – Kasabay ng nalalapit na Founding Anniversary ng bayan ng Mercedes sa Agosto  8, 2017 ay pasisinayaan na ang pinakamalaking evacuation center sa lalawigan ng Camarines Norte.

Matatagpuan ang nasambit na evacuation center sa Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

Simple lamang umano ang magiging programa sa gaganaping commemoration sa pagkakatatag ng bayan kasunod ang  pagpapasinaya sa evacuation center ayon sa panayam ng Brigada News Fm kay Mayor Alexander Pajarillo.

Inaasahang dadalo sa nasambit na okasyon ang mga opisyal ng lalawigan at Regional Directors ng Deparment of Social Welfare and Development at Office of the Civil Defense..

Nakatakdang ilipat sa naturang gusali ang opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management ng nasambit na bayan.

May kakayanan umano ang pinakamalaking evacuation center sa lalawigan na mag accommodate ng hindi bababa sa tatlong libong evacuees.

Pinondohan umano  ng lokal na pamahalaan ng Mercedes ang nasabing gusali ng Php 40,000,000.00 mula sa isang loan kung saan siyam (9) na milyon dito ay ginastos sa pagkuha ng lupa na tatayuan ng gusali at ang nalalabi ay ginamit naman sa mga gastusin sa mismong pagtatayo ng gusali.

Maliban sa gusali, siniguro din umano ng alkalde ma maglalaan sila ng sapat na stock ng relief goods para dito upang maipamahagi sa mga evacuees sakaling magkaroon ng sakuna.

Sakali man umanong hindi magamit ang mga relief goods sa loob ng tatlong buwan ay ipapamahagi na ito.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News