bkdfront608

Agusto 6, 2017, Daet, Camarines Norte – Matagumpay na isinagawa ang launching ng programang Barkada Kontra Droga ng Moreno Integrated School sa pamamagitan ng isang Color Fun Run cum Clean-up Drive kahapon, Agusto 5, 2017 sa Bagasbas Beach, bayan ng Daet.

Dinaluhan ang nasambit na aktibidad ng mga mag aaral ng MIS mula grade 7 hanggang senior high at ng mga guro dito.

assembly

out1 out2

Nagsimula dakong 5:30 ng umaga ang Color Fun Run sa Moreno Integrated School at nagtapos sa Bagasbas Beach kung saan masiglang nakilahok ang mga kabataan sa zumba session at nagsagawa ng clean up drive na parte rin ng aktibidad.

on-the-road

Dinagdagan ng kulay at saya ang Color Fun Run ng mga water guns at dyes na naghihintay sa mga stations at ginamit upang kulayan ang kani kanilang mga suot na tshirts kung saan nakasaad  ang kanilang adbokasiya na “The best version of me is drug free, let’s run away from drugs”.

dye

clean1 clean2

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Ma’am Jheny Villacruz, adviser ng Barkada Kontra Droga Organization na naturang paaralan, ang nasambit na programa ay unang beses umano na inilunsad ngayong taon sa lahat ng paraalan sa buong Pilipinas bilang tugon aniya sa kampanya ni President Rodrigo Duterte na wakasan ang drug addiction sa pamamagitan ng pag engganyo sa mga paaralan na i-educate ang mga kabataan at i-promote ang healthy lifestyle sa mga ito at kahapon nga sa pamamagitan ng Color Fun Run ay pormal na nilang sinimulan ang nasambit na programa.

Bago pa man aniya ang aktibidad, nakaroon na ng orientation sa mga kabataan kaugnay ng BKD program kung saan binigyan ang mga ito ng pagkakataon na ilista ang kanilang mga sarili bilang pag suporta sa adbokasiya nito.

Sa pahayag naman ni Ma’am Veronica Abanto, National Drug Education Program (NDEP) Coordinator, layunin umano ng BKD na mabigyan ng mga kapaki-pakinabang na gawain ang mga kabataan sa kanilang bakanteng oras, maging mas produktibo at mailayo sa mga gawaing hindi nakabubuti katulad ng pag gamit ng ilegal na droga.

Dagdag pa ng ginang, bukod sa Color Fun Run at Clean-up Drive ay marami pa umanong mga akitibidad ang nakalinya para sa buong taon katulad ng Sports Star: Laro ng Lahi, BKD concert para sa mga mag aaral, mga guro at almuni, BKD tour at integration sa lessons ng kahalagahan ng pag iwas sa droga.

Nabatid na ang Barkada Kontra Droga  ay inilunsad upang masiguro na hindi na mapupunta o maaakit na gumamit ng bawal na gamot ang mga kabataan nang sa gayon ay hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga drug users sa Pilipinas.

Anila, bilang isang barkada ay nararapat na hikayatin ng kanilang mga mag aaral ang iba pang mga kabataan na sumama sa kanilang adbokasiya na lumayo o umiwas sa pag gamit ng ilegal na droga.

Sa Moreno Integrated School, tinawag nila ang programa na “Barkada Kontra Droga; TARA NA!” na nangangahulugang Timely Activities for Redirection Against the Nonsense Abuse of Drugs.

Sa huli, hinikayat ng mga guro at mag aaral ang lahat na maghawak kamay at patuloy na sugpuin ang pagkalulong ng mga kabataan sa droga bagkus ay palaganapin ang healthy lifestyle para sa mga ito.

bgb

zumba

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

 

 

.