signage608

Agusto 8, 2017, Daet, Camarines Norte – Sinimulan na kahapon ang dry run para sa pagpapatupad ng Proposed Traffic Management Plan ng Daet PNP na naglalayong sasagot sa lumalalang problema ng trapiko sa kasentruhan ng Daet.

Naglagay na sa ibat ibang bahagi ng kasentruhan ng mga signages na gagabay sa mga motorista at mga pasahero sa tamang gamit ng kalsada at mga ipinagbabawal dio katulad ng mga No Parking, No U turn, No Loading and Unloding, No Entry at One Way signs kasabay ng mas mahipit na pagpapatupad ng mga ito.

Kasabay nito, nilinis na rin ang mga kalsadang dating ginagamit bilang puwesto ng ilang mga nagtitinda at ginagawang terminal upang maging mas maluwag at mas mabilis ang daloy ng trapiko katulad ng F. Pimentel St. market608

Matatandaang kamakailan lamang ay sumailalim sa konsultasyon ng  Sangguniang Bayan at ibat ibang grupo partikular na ang mga tricycle drivers at operators ang panukalang ito sa ginanap na en banc meeting sa SB session hall.

Doon ay nagpahayag ng suporta ang Sangguniang Bayan at hiniling ang pakikipagtulungan ng ibat ibang grupo at ahensiya na subukan ang naturang panukala na kung magkakaroon ng positibong resulta ay gagawin nang isang ordinansa.

Nagpahayag rin ng suporta si Mayor Benito  Ochoa sa Daet PNP na naghahangad na sana ay ito na nga ang maging solusyon upang mawakasan kung hindi man ay mabawasan ang lumalalang problema ng trapiko sa nasasakupang bayan.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Photos courtesy of Ricky Pera and Nardz Hernandez