vinzonsmap608

Agusto 9, 2017, Vinzons, Camarines Norte – Huli sa cctv footage ang pagnanakaw ng isang suspek sa isang tindahan sa Purok 6, Brgy. Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte 9:36 ng umaga kahapon, Agusto 8, 2017.

Sa imbestigasyon ng Vinzons Municipal Police Station (MPS), pinasok umano ng suspek ang tindahang pag aari ni Jason Hernandez y Tanierla, 33 anyos, residente ng nasambit na lugar at kinuha mula sa money drawer na nasa loob ng tindahan ang pera na nagkakahalagang humigit kumulang sampung libong piso ( Php 10,000.00 ).

Sa pamamagitan ng cctv footage ng nasabit na tindahan, nakita umano ng tagapangalaga ng tindahan ang pagnanakaw at positibong kinilala ang suspek na si Vimor Villacruz, y Oresca, 37 anyos, residente ng Purok 2 ng parehong Barangay.

Agad ding nadakip ang suspek sa isinagawang follow up investigation ng Vinzons MPS at nakuha mula dito ang halagang Php 1,600.00 halaga ng diumano’y ninakaw na pera.

Nasa kustodiya na ng Vinzons MPS ang suspek habang inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa sa korte laban dito.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

 

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.