fish608

Agusto 10, 2017, Daet, Camarines Norte – Tinatayang dalwampung (20) banyera ng isdang produkto ng dynamite fishing mula sa karagatang sakop ng bayan ng Paracale ang nasabat ng Govenor’s Task Force sa Brgy. Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte madaling araw kahapon, Agusto 9, 2017.

Sa impormasyong nakalap ng Radyo ng Bayan Camarines Norte, kumpirmadong produkto ng dynamite fishing ang banye-banyerang isda base sa fish scanner na mula sa Office of the Agriculturist.

fish2.608

Patungo sana umanong bayan ng Mercedes ang truck na naglalaman ng mga banye-banyerang isda nang masabat ng mga operatiba ng Governor’s Task Force.

Kasong paglabag sa umiiral na Provincial Ordinance at National Law on Illegal Fishing na may maximum penalty na anim (6) hanggang dalawang (2 )taon na pagkakakulong at multang mula limampu libo (Php 50,000.00) hanggang dalawang daang libong piso (Php 200,000.00) ang posibleng kaharapin ng suspek sa naturang ilegal na pangingisda.

 

Camarines Norte News

Photos Courtesy of Provincial Information Office-Camarines Norte