labomap608

Agusto 10, 2017, Labo, Camarines Norte – Pinasok ng hindi nakilalang suspek ang bahay ng isang public school teacher sa Spanish Road, Purok 2-B Brgy. Anahaw, Labo, Camarines Norte kamakalawa, Agusto 8, 2017.

Kinilala ang biktima na si Abel Mago y Obusan, 45 anyos, may asawa, public school teacher at residente ng nasambit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Labo Municipal Police Station (MPS), naganap ang pagnanakaw sa pagitan ng 11:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon kung saan pumasok ang hindi nakilalang suspek sa bukas nabahagi ng kisame ng bahay.

Nang makapasok na umano sa loob ay sinira nito ang isang cabinet/durabox at kinuha mula dito ang isang (1) itim na Dell laptop na nagkakahalagang Php 12, 000.00, isang (1) HTC cellphone, dalawang (2) Noia cellphone at pera na nagkakahalagang Php 6,000.00.

Nagsasagawa na ang Labo MPS ng follow up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagdarakip dito.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News