S.ELENA608

Agusto 11, 2017, Sta. Elena, Camarines Norte –Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki sa bayan ng Sta. Elena matapos madakip ng pinagsamang pwersa ng Sta. Elena Municipal Police Station (MPS), Regional Public Safety Batalion 5, Camarines Norte Public Safety Company Provincial Intelligence Branch at Camarines Norte Criminal Investigation Detection Team dakong 1:00 kahapon, Agusto 10, 2017 para sa kasong frustrated homicide.

Kinilala ang mga nadakip na sina Romulo Bracero y Ruelo, 44 anyos, may asawa at Bobby Bracero y Labadan, 19 anyos, binata, kapwa residente ng  Purok 5, Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte.

Inaresto ang nasambit na mga suspek sa nasambit na lugar sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba nitong nakatalikod na Hulyo 31, 2017 ni Judge Alma Balilia Oferio ng Regional Trial Court Branch 64, Labo, Camarines Norte para sa kasong Frustrated Homicide, sa ilalim ng criminal case number 17-3286.

May inirerekomenda ang korte na Php 24,000.00 halaga ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng bawat isa sa mga suspek.

Nasa kustodiya nan g Sta. Elena ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

 

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang mga suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.