busigon608

Agosto 21, 2017, Labo, Camarines Norte – May temang “Sa Puso’t Isipan ng Bawat Lahi ni Busig-on, Kaunlaran ang Laging Layon” ang isasagawang pagdiriwang ng 19th Busig-on Festival at  217th Foundation Anniversary ng bayan ng Labo ngayong taon.

Nakalatag na rin ang mga aktibidad na isasagawa kaugnay ng nasambit na pagdiriwang na magsisimula sa unang araw ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Ilan sa mga inaabangang aktibidad ay ang color fun run, toda day, river games at ang taun taong isinasagawang kasalang bayan at street dancing competition.

Magtatapos ang naturang pagdiriwang sa ika-8 ng Setyembre, 2017.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News