18,862 BOTANTE SA BAYAN NG DAET, MAAARING HINDI MAKABOTO NGAYONG 2016 NATIONAL ELECTIONS AYON SA COMELEC!

608

Umaabot sa 18,962 na mga registered voters sa bayan ng Daet ang maaaring hindi na makaboto ngayong darating na 2016 National Elections. Ito, ayon kay Atty Francis Nievez, Municipal Election officer ng bayan ng Daet, ay kung hindi sasailalim sa Biometric System ng COMELEC.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 48,239 ang registered voters ng Bayan ng Daet at nanganganib na mabawasan ito kung sakaling hindi tatalima ang mga rehistradong botante na wala pa ring biometrics capturing mula sa kanilang tanggapan.

Maagap ang panawagan ngayon ng COMELEC para na rin maiwasan ang malaking problema sa pagdating na eleksyon. Halos 60% pa lamang ng mga rehistradong botante sa naturang bayan ang sumailalim na sa Biometric Photo at digital Capturing, thumbnail and signature.

Nanawagan si Atty. Nievez sa mga botante, partikular sa mga dati nang botante noon pang bago mag 2005 nagparehistro na tiyakin na makadaan sila sa nasabing bagong sistema. Taong 2005 nang dumating ang biometric camera dito sa bayan ng Daet kung kayat yung mga nakapagparehistro bago ang taong nabanggit ay kinakailangang matiyak na maayos na ang kanilang rehistro sa nasabing tanggapan.

Sa Mayo 6, 2014, magsisimula na ang Validation kung kayat hangga’t maaga anya ay samantalahin na ito ng mga botante. Isinahalimbawa ni Atty Nievez ang nakatalikod na voter’s registration na hanggang sa huling mga araw ay napakahaba ng pila hanggang sa hindi na rin nakapagparehistro ang ilan.

Magsisimula na rin ang kanilang information dissemination sa mga barangay sa mga susunod na araw upang mas matiyak na makakarating sa mga ito ang mahalagang impormasyon hinggil dito upang maiwasan ang anumang reklamo at kaguluhan sa darating na pambansang halalan sa 2016.

 

Nag uulat,

Rodel Llovit

 

More NEWS?

Visit our HOME                                    For Daily News Update                   Follow us on Twitter

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150