BM-Lausin-608

Setyembre 6, 2017, Daet, Camarines Norte – Ibinunyag ni Board Member Erwin Lausin sa pamamagitan ng Privilege Speech ang anya’y tinatayang halaga ng nakokolektang pera ng STEMM GAMING CORPORATION sa kanilang Small Town Loterry (STL) operation sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayun kay Lausin, tila pinaglololoko ng operator ng STL ang mamamayan ng Camarines Norte sa hindi tamang pag deklara nito ng totoong kinikita sa loob ng ilang buwan na nitong operasyon.

Sa kanyang speech, dinetalye ni Lausin ang kwentada na naaayon sa isinasaad ng Implementing Rules and Regulations o IRR hinggil sa nasabing sugal. Sa kanyang natuklasan, may mis-declaration at understatement ang STEMMM na paglabag sa IRR.

Ayun pa sa naturang bokal, napakalaki ng diperensya ng inireremit ng STEMMM bilang shares sa LGUs, PNP at PCSO sa tunay na buwanang koleksyon nito. Apat (4) na milyon sa buwan pa lamang ng Hulyo 2017 at kung hindi umano maitutuwid ay aabutin ito ng 48 million pesos sa loob ng isang taon.

Sa IRR, tatlong (3%) porsiento ang share ng bayan munisipalidad mula sa kabuuang kita nito, isang (1%) porsiento para sa pamahalaang panlalawigan, .75% para sa bawat congressional district, 2.50% para sa PNP at 12.15% para sa PCSO Charity Fund. Sa laki ng koleksyon, ipinagtataka ni Board Member Lausin ang napakaliit na shares na ibinibigay sa mga LGUs, PNP at sa PCSO.

Nanghihinayang si Lausin sa sana’y napakikinabangan ng ating mga mahihirap na kababayan ang napakalaking halaga na nararapat para sa mamamayan bilang kapalit ng kalilang operasyon sa lalawigan.

Naniniwala ang bokal na malaking tulong sa mga nangangailangan ang operasyon ng STL sa lalawigan kung kayat, malugod nila itong tinanggap sa lalawigan, subalit dahil sa kwestyonableng operasyon nito, nais nila itong mapaimbestigahan sa PCSO at pansamantalang mapatigil ang operasyon.

Umapela ito sa pamunuan ng STEMMM na itama ang sistema nito dahil kumikita naman sila ng milyon milyon mula sa kanilang mga mananaya sa Camarines Norte.

Nanawagan din ito ng suporta sa mga mamamayan, at sa kanyang mga kapwa opisyal na magtulungan upang maituwid ang malinaw na pagkakamaling ito.

Anim (6) na resolusyon ang iminungkahi ni Lausin sa kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan na maisulong na tiyak na magbibigay ng tuldok sa maling sistemang ito.

Camarines Norte News

SP-Lausin-608

Narito ang kabuuang ng Malayang Pamamahayag ni Board Member Erwin Lausin:

          Sa atin pong minamahal na tagapagpadaloy, Vice Governor Jonah Pimentel, sa mga kasamahan ko pong bokal, sa mga media, sa inyong lahat, isang magandang umaga po.

Ang Malaya ko pong pamamahayag ay naglalayon na para mas lalo pa nating maintindihan kung ano ang larong STL o Small Town Loterry ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office, ang STL po ay pamamaraan ng pamahalaan para tuluyan nang mawala ang mga operasyon ng illegal na huweteng. Sa pamamagitan din po ng STL ay marami din pong makikinabang sa ating mga kababayan. PERO PAANO PO TAYO NITO MABIBIYAYAAN?

Base po sa implementing rules and regulations ng STL, magkakaroon ng bahagi ang municipal government, provincial government, congressional district, PNP at malaking bahagi mula sa kinita nito ay mapupunta sa PCSO Charity Fund, na magagamit naman ng ahensyang ito sa pandagdag pondo na pantulong sa mga kababayan nating kapus-palad na lumalapit sa kanilang tanggapan. Ito po ang “Break down” kung ilang bahagdan ang mapapapunta para sa LGU, PNP at sa PCSO.

MUNICIPAL                         –  3%

PROVINCIAL                        – 1%

CONGRESSIONAL               – .75%

PNP                                      – 2.50%

PCSO CHARITY FUND        – 12.15%

 

Base po sa submitted receipt sa PCSO, humigit kumulang na P7,500,000.00 ang kabuuang kita sa STL para sa buwan ng Hulyo, taong kasalukuyan, ang magiging bahagi po ng ating pamahalaan ay ang mga sumusunod:

MUNICIPAL                –  P225,000.00 devided by 11 Municipalities based on receipt per municipality

PROVINCIAL               – P75,000.00

CONGRESSIONAL      – P56,250.00 x 2 districts = P112,500.00

PNP                              – P187,500.00

PCSO CHARITY FUND- P911,250.00

TOTAL                           = P1,511,250.00 estimated total share from the month of July.

 

Mga minamahal ko pong kababayan, pagbasehan po natin ang nakasaad sa IRR, ang presumptive month retail receipt na 28 Million pesos na dapat pagbasehan ng computation, ito po ang breakdown,

 

MUNICIPAL                – P840,000.00

PROVINCIAL               – P280,000.00

CONGRESSIONAL      – P210,000.00 x 2 Districts = P420,000.00

PNP                              – P700,000.00

PCSO CHARITY FUND- P3,402,000.00

TOTAL SHARE ON STL BASED ON PMRR (28 Million)  = P5,642,000.00

 

Anlaki ng deperensya. Nakakalungkot isipin na nawawalan tayo ng mahigit apat na milyong piso sa buwan lamang ng Hulyo, at kung hindi ito maitutuwid ay nasa 48 Million Pesos sa loob ng isang taon. Napakalaking halaga na sana ay pinakikinabangan ng ating mga mamamayan.

 

Bigyan natin ng pansin ang mga biyaya na nawawala sa atin, for example, ang PCSO, mahigit 2.5 Million sa iwang buwan ang nawawala sa kanila or P83,025.00 sa isang araw, katumbas ito ng napakaraming pasyenteng mahihirap na ang tanging pag asa ay ang maitutulong mula sa PCSO. Nakausap ko ang wife ko, si Dra. Rhoda at ang Biyanan ko, si Dra. Bing, nabanggit nila sa akin na maraming insidente na hindi nakakatulong ang PCSO sa kanilang pasyente sa kadahilanang wala na daw budget. Kung may dagdag na P83,000.00 a day ang PCSO, ay nakakasiguro ako na halos lahat siguro na pasyente ay mapagbibigyan.

Nakausap ko rin ang municipal treasurer ng bayan ng Daet, nabanggit nya na naka receive ang kanyang tanggapan ng halagang P50,322.00 sa buwan ng June, at P51,264.00 sa buwan ng July. Ayun kay G. Dante Forbes, ito ay pandagdag tulong sa mahihirap na mga taga Daet na nangangailangan ng gamot at pang laboratory, malaking tulong pero sapat ba ang halagang P50,000.00 sa napakalaking bayan ng Daet? Kung P50,000.00 a month, ibig sabihin P1,708,800.00 a month lang ang koleksyon ng isang capital town na may mahigit 100 libong papulasyon, P56,960.00 or P18,966.00 per draw. Kung 200 ang sales agents, ibig sabihin P94.93 lang ang pataya ng bawat isa, HINDI KAPANI-PANIWALA!.

Sa STEMMM GAMING CORPORATION, paumanhin po sa salitang gagamitin ko, kami po ay “PINAGLOLOLOKO” nyo. Noong nakalipas na pagdalo po ninyo sa kapulungan pong ito, ang sabi nyo, ay mahigit pitong milyon lang ang kinita sa buwan ng Hulyo, tinanggap namin ang mga paliwanag nyo kase sabi nyo, may mga illegal pang pataya, nag request pa nga ako na idemanda ninyo ang mga pulis, tanggalin ninyo ang 2.5% share ng PNP pag di nila ginawa ang kanilang trabaho, tinulungan pa kayo ni Ginoong Orobio na galing ng national Office ng PCSO. Mga sir, may nakausap akong sales representative or Kabo sa aking bayanng Labo, nabanggit nya na nasa 50 sila lahat at humigit kumulang sa 200 sales agents o kuryador, nalaman ko po na hindi daw bababa sa P200,000.00 koleksyon at minsan pa ay hallos P300,000.0 a day, nabanggit din nya na halos pareho ng Labo ang bayan ng Sta. Elena kaya halos 15 Million ang remittance ng dalawang bayan sa buwan lamang ng Hulyo, ang nakakagulat pang balita, ay ang koleksyon daw sa Barangay Tulay na Lupa at iba pang karatig Barangay ay dinadala pa diumano sa bayan ng Daet na mahigit 1 Million din. So ibig sabihin, 16 Million lahat ang koleksyon sa bayan lamang ng Labo at Sta Elena, malayong malayo sa 7 milyong idineklara nyong kita mula sa labing isang bayan.

Sa STEMMM GAMING CORPORATION, welcome na welcome po kayo dito sa aming lalawigan, wala po kaming pagtutol sa inyuo kase Malaki po ang magiging pakinabang ninyo sa aming probinsya, ako po ay nakikiusap sa inyo, nag aapela na sana ay iwasto po ninyo, itama ninyo, ayusin ninyo, kumikita po kayo ng Malaki sa aming lalawigan, ibigay naman po ninyo ang para sa aking kababayan.

Sa PNP, sa atin pong dalawang Congressman, sa lokal na tanggapan ng PCSO, mga Punong Bayan at sa akin pong mga kapwa mambabatas, at sa Punong Lalawigan, bigyan po natin ito ng pansin. Nakikiuspa po ako na pagtulungan natin ito para maiwaasto ang mali at sapat na maibigay ang kung ano ang para sa ting lalawigan.

Ito po ang mga resolusyon na sana ay ating pagtibayin:

  1. A resolution urging the Philippines Charity Sweepstakes Office to conduct a formal investigation into the alleged misdeclaration/understatement of the report on Gross Sales of STEMMM GAMING CORP.
  2. A resolution urgently begging for immediate action of PCSO on SP resolution No. 269 entitled A RESOLUTION URGING THE PCSO TO SUSPEND THE OPERATION OF STEMM GAMING CORP. IN THE PROVINCE OF CAMARINES NORTE FOR VIOLATION OF THE 2016 RESIVED IMPELEMNTING RULES AND REGULATIONS OF RSTL OPERATIONS.
  3. A resolution demanding truthfulness and honesty from STEMMM GAMING CORPORATION to declare the correct amount of gross sales for the benefit of the needy constituents in the province of Camarines Norte.
  4. A resolution urging the PCSO to amend guidelines such as that LGU and PCSO shall be represented during the process of remittance of collections from sales agents/representatives.
  5. A resolution challenging the management of STEMMM GAMING CORP. to allow the LGUs thru their representative treasurer to observe the process of every remittance for each draw.
  6. A resolution encouraging LGUs to take part in this transparency of advocacy to ensure accurate reporting the gross sales.

Sa akin pong pagtatapos, kung ang mga nabanggit ko pong mga usapin ay pasisinungalingan ng STEMM GAMING CORPORATION, ako po ay handang mag stay sa Labo station ng maghapon hanggang gabi para lang patunayan lang sa inyo na ang Labo ay may koleksyon na hindi bababa sa P200,000.00 sa loob lamang ng isang araw, nakikiusap rin ako sa media na samahan din ninyo ako at ang mga kapwa ko bokal.

Maraming maraming salamat po!