mercedesmap608

Setyembre 10, 2017, Daet, Camarines Norte – Labis ang katuwaan at pasasalamat ng mga residente sa 4 na barangay na makikinabang sa  farm to market roads na binuksan sa bahagi ng Mercedes, Camarines Norte.

Kasabay ng Provincial Multi-services Caravan nitong nakatalikod na Setyembre 8, 2017 ay isinagawa ang turn over ceremony ng mga farm to market roads na Mangisoc – Gaboc, Cayucyucan – Gaboc at Mambungalon road.

Personal na dumalo sa naturang seremonya si Governor Edgardo Tallado, Vice Governor Jonah Pimentel at Provincial Administartor Alvin Tallado.

Naging pangunahing bisita naman sa nasabing programa si Mr. Paul Escober, head ng area management teamSouthern Luzon Rehabilitaion and Development Unit mula sa OPPAP.

Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat ang mga punong barangay ng Gaboc, Mambungalon, Mangisoc at Cayucyucan sa administrasyong Tallado para sa inisyatibo nito na maisakatuparan ang naturang mga proyekto na makakatulong upang maging mas mabilis ang pag dadala ng mga residente ng kanilang mga produkto mula sa kanilang lugar patungong pamilihang bayan.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News