tnk608

Setyembre 11, 2017, Daet, Camarines Norte – Trabaho, negosyo at kabuhayan ang handog ng Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Benito Ochoa  sa pamamagitan ng Public Employment Service Office sa pamamagitan ng  isasagawang Job and Business Fair sa bayan ng Daet.

Isasagawa ang nasambit na Job and Business Fair sa Daet Heritage Center sa bayan ng Daet ngayong parating na Setyembre 13-14, 2017, simula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Iba’t ibang trabahong lokal at overseas ang bubuksan para sa mga nagnanais na makahanap ng trabaho.

Magkakaroon din ng libreng seminar para sa mga nagnanais magsimula ng maliit na negosyo.

Katuwang ng LGU Daet at PESO ang Department of Labor and Employment-Camarines Norte Field Office sa naturang programa na naglalayong matulungan ang mga mamamayan ng Camarines Norte na makahanap ng trabaho at magkaroon ng pagkakakitaan.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News