callano608.1

Setyembre 11, 2017, Daet, Camarines Norte – Binigyang parangal ni Gov. Edgardo Tallado ang atletang si Melvin Callano ng bayan ng Paracale matapos nitong bigyang karangalan ang lalawigan ng Camarines Norte maging ang buong bansa nang masungkit nito ang bronze medal sa Men’s Javelin Throw sa ginanap na 2017 Sea Games kamakailan lamang sa Kuala Lumpur Malaysia.

Isinabay ang pagbibigay parangal kay Callano sa ginanap na peace forum ng Provincial Peace & Order Council sa Little Theater, Camarines Norte Agro Sports Center, Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Setyembre 6, 2017.

Magugunitang ang 19th South East Asian Games na ginanap nitong nakatalikod na Agusto 9-30 ng taong kasalukuyan ay nilalahukan ng mga atleta mula sa 11 bansa na nagtagisan sa ibat ibang uri ng larong pampalakasan at isang karangalan para sa ating lalawigan ang makapagpadala ng ng isang atletang Camnorteño na sa huli ay nagkamit pa ng parangal.

callano608.2

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News