FUNSHOOT608

Setyembre 11, 2017, Daet, Camarines Norte – Umaabot sa 45 media personalities mula sa ibat ibang istasyon ng local radio, tv at print media sa lalawigan ng Camarines Norte ang dumalo sa isinagawang 1st Pssupt Rudolf Dimas Media Funshoot.

Naging matagaumpay ang nasambit na aktibidad na ginanap sa Camarines Norte Police Provincal Office, Camp Wenceslao Q.Vinzons, Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Setyembre 9, 2017, araw ng Sabado.

Pinangunahan ni Pssupt Rudolph Dimas ng Camarines Norte Police Provincial Office,  Daet PNP Supt Wilmor Halamani at PCR Head Supt Victor Abarca ang nasabing aktibidad kung saan naging katuwang naman dito ang Camarines Norte AFP-PNP Press Corp na pinamumunuan ni Ricky Pera ng Cool Radio.

funshoot2

Parte ng naturang aktibidad ang isang kumpetisyon kung saan nagtagisan ng galing ang mga dumalo sa pagpapaputok ng baril.

Sa huli ay nagwagi ang mga sumusunod:

Champion: Noli Doringo Macawili ng Love Radio Daet

1st Runner up: Maridave Mago ng CNTV

2nd Runner up: Donde Consuelo ng Brigada News FM Daet

Isang masaganang boodle fight naman ang pinagsaluhan ng mga dumalo kasama si Pssupt Dimas at mga personel ng CNPPO matapos ang funshoot.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Photos courtesy of Romil Del Moro and Ricky Pera