mercedesmap608

Setyembre 11, 2017, Daet, Camarines Norte – Kulungan ang bagsak ng isang mangingisda na may kinakaharap na mga kasong Rape at Act of Lasciviousness sa Mercedes, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong si Joryland Camacho y Ebron, 40 anyos, mangingisda, residente ng Purok 4, Brgy. Colasi, Mercedes, Camarines Norte.

Inaresto si Camacho ng mga personel ng Mercedes Municipal Police Station, Camarines Norte –Provincial Public Safety Company at 503rd MARPSTA dakong 3:45 kahapon sa Purok 4 ng nasambit na lugar.

Si Camacho ay may kinakaharap na kasong Rape in Relation to R.A. 7610 (Anti Child Abuse Act) sa ilalim ng criminal case number 18007 at 2 counts ng Acts of Lasciviousness in Relation to R.A. 7610 sa ilalim ng criminal case number 18008.

Nabatid na nitong nakatalikod na Marso 27, 2017 ay ibinaba ni Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court Branch 40 ng Daet Camarines na ang warrant of arrest para kay Camacho para sa mga nasambit na kaso.

Nasa kustodiya na ng Mercedes MPS ang nadakip na suspek na Rank 7 sa Municipal Most Wanted list ng nasambit na MPS.

Samantala, walang inirerekomendang piyansa ang korte para sa kasong rape habang Php 200,000.00 naman ang nakatakdang piyansa para sa isang count ng Acts of Lasciviousness.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

 

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.