daet.river608 penafrancia

Setyembre 12, 2017, Daet, Camarines Norte – Ilang bahagi ng lalawigan ng Camarines Norte ang nakakaranas ng pagbaha at pinsalang dulot ng patuloy na pag-ulan bunsod ng tropical depression na pinangalanang Maring.

Dakong umaga kahapon, Setyembre 12, 2017 nang magsimula ang pag-ulan na nagdulot ng pagbabaha sa ilang mga kalsada sa lalawigan.

Simula kagabi hanggang kaninang umaga ay hindi na madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang bahagi ng Sitio Namukanan, Brgy. Daguit sa bayan ng Labo dahil sa pagtaas ng tubig baha dito.

daguit608

Naging problema din kagabi ng mga biyahero at pasaherong magtutungo sa lalawigan ng Camarines Norte ang matinding baha sa probinsiya ng Quezon kung kaya’t marami sa mga ito ang nastranded sa nasambit na lugar at doon na nagpalipas ng gabi hanggang sa humupa ang baha ngayong araw.

atimonan608

Maliban sa pagbabaha sa mga kalsada nagdulot din ng pangamba partikular na sa mga naninirahan malapit sa ilog ang pag akyat sa red alert status o critical level ng Labo River dulot pa rin ng patuloy na pag ulan.

labo.river608

Kaugnay ng mga ito, nagkansela ng klase ngayong araw ang mga alkalde ng mga bayan sa lalawigan.

Bagaman napailalim sa typhoon signal #1 ang lalawigan, kinansela ng mga alkalde sa buong lalawigan ang klase mula pre-school hanggang elementarya, habang hanggang sekondarya naman ang kinansela sa bayan ng Labo at Jose Panganiban.

Samantala, kaninang tanghali ay bahagya ng tumigil ang pag ulan at unti unti na ring bumaba ang tubig sa mga binahang kalsada at nadaanan na rin ito ng mga malalaking sasakyan.

namukanan608.1 namukanan608.2

Sa ngayon ay hindi pa batid ng PDRRMO kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot ng mga pagbaha sa buong lalawigan ng Camarines Norte at hinihintay pa ang report mula sa mga MDRRMO sa buong probinsiya.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Photos courtesy of Kabalikat Bicol-Labo Chapter, Christian Villagen and Romil Del Moro