crime608

Setyembre 12, 2017, Jose Panganiban, Camarines Norte – Patay matapos pagbabarilin habang nasa loob ng sasakyan ang isang 64 anyos na biyudo sa Purok 5, Barangay Sta. Rosa, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang biktimang si Vicente Inocalla Jr. alyas “Bebot”, 64 anyos, biyudo, residente ng nasambit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Jose Panganiban Municial Police Station, dakong 12:15 kahapon, nasa loob umano ang biktima ng nakaparadang sasakyan nitong Toyota Rav4 na may plakang KVN777 sa labas ng tahanan nito kasama ang isang nagngangalang Elisa Antiqueña y Lobaton nang lapitan umano ito ng mga hindi nakilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Bigla na lamang umanong pinagbabaril ang biktima ng mga suspek na agad tumakas patungo sa bahagi ng Batobalani, Paracale, Camarines Norte matapos ang pamamaril.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan at agad na isinugod sa Barrios Hospital sa naturang bayan subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Nakuha mula sa lugar ng pamamaril ang apat (4) na basyo at dalawang (2) deformed slug ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Nagsasagawa nang follow up investigation ang Jose Panganibang MPS sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek at pagkadarakip dito gayundin ang motibo sa krimen.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News