deped608

Setyembre 13, 2107, Daet, Camarines Norte – Dalawang guro mula sa lalawigan ng Camarines Norte ang matagumpay na nakapasa sa National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) for 2016.

Pasok sa 388 na bilang ng pumasa sina  Rommel Ando ng San Vicente-San Lorenzo Ruiz District at Rhoderick Baretto ng Camarines Norte National High School.

Kahapon, Setyembre 12 nang pormal na ilabas ng Department of Education (DepEd) at National Educators Academy of the Philippines ang listahan ng mga pumasa sa nasambit na qualifying exam.

Nabatid na umaabot sa 3 porsiyento lamang mula sa kabuuang bilang ng mga examinees ang pumasa at kabilang nga dito sila Ando at Baretto ng Schools Division Office ng Camarines Norte.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News