blessing-608-galeo4

Setyembre 13, 2017, Labo, Camarines Norte –Isinagawa ang blessing at pasasalamat para sa matagumpay na pagsasayos ng dating iniwan at nakatiwangwang na open pit sa Barangay Napaod o ang mas kilala sa tawag na ‘Venida Pit’.

Ang nasabing pagdiriwang ay pinangunahan ng pinuno ng Galeo Equipment Corporation, na siyang responsable sa ginawang remediation project. Panauhing pangdangal sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Jonah Pimentel, Sangguniang Bayan sa pangunguna naman ni Vice Mayor Severino “Jojo” Francisco at Mayor Joseph Ascutia, Sangguniang Barangay ng Napaod na pinangunahan ni Punong Barangay Antonio Camoñas. Dumalo din sa pagdiriwang ang mga iba’t-ibang representante ng karatig na barangay at sector ng lokal na pamahalaan.

Nagbigay ng pambungad na pananalita si Mr. Jimwel Orpilla, ang Public Affairs Manager ng Galeo Equipment Corporation. Ipinahayag niya na itong tagumpay na pagsasaayos ng Venida Pit ay dulot ng pagkakaisa ng buong Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Bayan, Sangguniang Barangay, mga residente ng Barangay Napaod at ng Galeo Equipment Corporation.

Sinundan ito ng isang mensahe mula kay Punong Barangay Antonio Camonas na nagpahayag ng lubos na pasasalamat sa mga suporta ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at konseho ng Sangguniang Bayan sa pagtugon sa kanilang kahilingan na isaayos ang Venida Pit.  Aniya, ang buong barangay ay sobrang nabahala noon sa dala nitong panganib sa kanilang mamamayan ngunit sa tulong ng local na pamahalaan at Galeo Equipment Corporation, ang pagsasaayos ay naisakatuparan na.

Samantala, ipinagmamaliki naman ng Chairman Committee on Environmental Protection ng Barangay Napaod na si Kagawad Pio Garido ang progresibong pagbabago ng Venida Pit. Ayon sa kanya, ang usapin ng Venida Pit ay hindi naging posible kung hindi dahil sa pagbigay suporta at pakikipagtulungan sa kanila ng Sangguniag Panalalawigan at Sangguninag Bayan. Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa Galeo Equipment Corporation dahil sa mabilis na pagtugon nito sa panawagan ng kanilang barangay na isaayos ang nasabing Venida Pit.

Dagdag pa niya, nag desisyon ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Barangay ng Napaod na gumawa ng isang Resolution para pasalamatan ang pagsisikap ng buong Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Bayan at Galeo Equipment Corporation na maisagawa ang mitigating and safety measures sa Venida Pit.

Ayon naman sa Chairman Committee on Environmental Protection ng Munisipyo ng Labo na si Konsehal John Carlo “Lukad” de Lima, ang Sangguniang Bayan ng Labo ay hindi nababahala sa mga natatangap nilang mga banta na kakasohan sila noong kasagsagan ng matinding usapin sa isyu ng Venida. Bagkus, mas importante sa kanila na mabigyang proteksyon at seguridad ang buong mamamayan ng Napaod.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Vice Mayor Severino “Jojo” Francisco sa imbitasyon na sila ay dumalo sa blessing ng Venida Pit. Ayon sa kanya, hindi kailangan ng court order o anumang permit o maging teknikal para solusyonan ang isang problema na maari magdala ng panganib sa mga resident. Dagdag pa niya, ang buong Sangguniang Bayan at ang Sangguniang Panlalawigan ay naninindigan na silang mga local government officials ay binigyan ng kapangyarihan batay sa Local Government Code of the Philippines, na kung saan nakasaad doon, na kapag may mga hinaharap na problema ang isang komunidad o barangay, sila ay maaaring magsagawa ng mga appropriate actions.

Pinahayag din ni Vice Mayor Francisco na ang buong Pamahalaan ng Labo ay nagagalak at nasisiyahan na sila ay naging parte ng solusyon sa problema ng Barangay Napaod.

608-9

Nagpaabot din ng pasasalamat si Vice Governor Jonah Pimentel sa Galeo na nagsagawa ng remediation project sa Venida Pit at sa opisyal ng bayan at barangany na tumugon sa tawag ng tungkulin sa ilalim ng Local Government Code. Saad pa niya, hindi naging madali sa kanila o maging kay Mayor, Vice-Mayor, Sangguniang Bayan, konseho ng barangay, ang nangyaring mitigating measure dahil maraming balakid, kumuestyon at maraming ahensya ang nagpapaalala sa kanila na tila may paglabag sa kanilang ginagawa at mga aksyon sa pagsupporta sa mitigating measure. Dagdag pa niya, kung sila ay nagpadala at natakot sa mga paalala, baka hindi mangyayari ang mitigating measure.

608-6

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Joseph V. Ascutia sa tulong ng Galeo sa pagsasaayos ng Venida Pit. Ang mensahe niya sa mga residente ng Napaod ay magtulongan na kahit na may mga kanyang kanyang interest, ang importante ay magkaisa upang maging maayos ang lupang ating ginagalawan.

Sa pangwakas na pananalita, humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Galeo Equipment Corporation dahil ang pagsasaayos ng Venida ay sana noon pang 2013. Ayon sa kaniya, noong panahon na iyon, inisip na ng kumpanya na ayusin ito at nagpahiwatig din na handang handa na ayusin ang butas ngunit ayaw naman pangunahan ng kumpanya ang kanilang ka-partner.

Nagpasalamat din ang pamunuan ng kumpanya sa tao dahil sa paniniwala ng Galeo na ang pera na kinikita ng mga minero ay pangalawa lang sa nakikitang pagbabago sa buhay ng tao na siyang nagbibigay kaligayahan at maayos ang pamumuhay sa kanila. Ang kaligayahan na nakikita sa tao ay napakalaking kita sa kumpanya at isang bagay na nag-uudyok na tuloy-tuloy lang.

608-2

Sumunod ang pagblessing ng Venida Pit at ribbon cutting sa pangunguna ni Mayor Joseph Ascutia at pamunuan ng Galeo Equipment Corporation kasama ang buong konseho ng Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Bayan, Galeo Equipment Corporation at Barangay Council at mga residente ng Napaod.

Opisyal na na binubuksan ang Venida Pit sa publiko at taong bayan. Ngunit patuloy pa rin na makikipag-ugnayan ang Galeo sa mga local na opisyales sa pagpapaganda at pagpapaunlad pa ng Venida Pit. Ayon kay Vice Gov. Jonah Pimentel, ang proyekto ay pwedeng maging atraksyon sa Busig-on festival ng Labo sa susunod na taon. Dagdag pa niya, malaki ang ipinagbago ng Venida Pit at napakaganda ang ginawang remediation ng Galeo kung kaya’t sigurado siyang dadayuhin ito ng mga tourista.

Camarines Norte News