1.608

Setyembre 18, 2017, Daet, Camarines Norte – Isinagawa ngayong araw ang blessing at inauguration ng bagong NBI Satelite Office na matatagpuan sa  3rd floor, Provincial Library Building, Provincial Capitol Complex, Daet, Camarines Norte.

Matapos ang flag raising ceremony na dinaluhan ng mga empleyado ng kapitolyo, isinagawa ang maiksing programa ukol sa pagbubukas ng bagong opisina kung saan nagpahayag ng mensahe si Vice Gov. Jonah Pimentel, Governor Egay Tallado at ang panauhin na si NBI Director Rizaldy Jaymalin ng NBI Naga District Office.

flag

Nagpahayag ng katuwaan si Vice Governor Jonah Pimentel dahil ang araw na ito umano ay simula ng kaginhawaan para sa mga Camnorteño dahil hindi na kinakailangan pang magtungo sa lungsod ng Naga para sa kanilang mga transaksiyon sa nasabing ahensiya.

vice

Para naman kay Governor Egay Tallado, makasaysayan ang araw na ito sapagkat hindi na umano nananatiling pangarap lamang ang pagkakaroon ng opisina sa lalawigan ang naturang ahensiya dahil ngayon ay nabigyang katuparan na ito.

Nagpaabot rin ang Gobernador ng pasasalamat kay Bokal Pol Gache na siyang pangunahing kumilos at nagpasa ng resolusyon upang maitayo nga sa lalawigan ang nasambit na opisina.

Sinabi rin ni Gov. Tallado ang planong pagtatayo ng isang Government Center na magsisilbing parang isang one stop shop sa Barangay Mat-I sa bayan ng Vinzons kung saan aniya ay matatagpuan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na may opisina sa lalawigan katulad ng PSA at LTO.

gov

Nagpasalamat naman si Director Rizaldy Jaymalin sa suporta at kooperasyon ni Gov. Egay Tallado at Sangguniang Panlalawigan sa pagsasakatuparan ng dati ay plano lamang na opisina. Special mention rin si Bokal Pol Gache na naging katuwang umano sa pag conceptualize ng naturang proyekto.

Isa umanong kaluwagan para sa kanila ang hindi na makita pang nahihirapan ang mga Camnorteño sa tuwing pupunta sa kanilang opisina sa siyudad ng Naga. Batid niya umano ang hirap na dinaranas ng mga Camnorteño na gumigising pa ng madaling araw upang makabiyahe ng maaga patungong Naga at makapila ng maaga ditto. Hindi rin umano biro ang gastos sa pamasahe pa lamang kung kayat hindi sila nagdalawang isip na kumilos upang maisakatuparan na ang ngayon nga ay bukas nang opisina.

dir

Matapos ang maiksing programa, isinagawa naman ang ribbon cutting sa bagong opisina na sinundan naman ng blessing nito na pinangunahan ni Rev. Fr. Ronald Anthony P. Timoner.

ribbon

fr blessing

Samantala, pormal na ring nagsimula ang operasyon ng nasabing opisina matapos ang blessing at inauguration nito at ilang Camnorteño na ang napagsilbihan nito sa unang araw pa lamang.

served

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Photos courtesy of Luigi Querubin