canoreco608

Setyembre 19, 2017, Daet, Camarines Norte – Pag trip off ng 50 MVA power transformer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nasa Brgy. Talobatib sa bayan ng Labo ang naging sanhi ng naranasang power service interruption kagabi sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang naging paliwanag ng pamunuan ng CANORECO kaugnay ng naranasang brownout kagabi, Setyembre 19, 2017 sa buong lalawigan ng Camarines Norte simula 10:11 ng gabi hanggang 12:27 ng madaling araw.

Samantala, kabi kabilang reklamo naman ang inabot ng pamunuan matapos na maextend ang brownout hanggang 3:40 ng madaling araw sa ilang bahagi ng Daet partikular na sa Daet South, Brgy. VIII, Brgy. IV, Alawihao at ilang bahagi ng Lag-on gayundin sa mga bayan ng San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Basud, ilang bahagi ng Itomang at Binanuaan sa bayan ng Talisay at sa coastal barangay ng Mercedes.

Ayon sa Canoreco, ang extension ng power interruption ay dulot ng sunog sa terminal log ng XLPE sa Lag-on Substation dulot ng naputol na primary wire ng triple circuit line, putol na jumper sa Lag-on at basag na suspension insulator sa Happy Homes Greenview Phase 2.

 

Camarines Norte News