kmmp3.608

Setyembrte 20, 2017, Daet, Camarines Norte – Isinasagawa ngayong araw ang pagbubukas ng “Kapatid Mentor Me Program” ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Philippine Center for Enterpreneurship, Inc. – Go Negosyo.

Layunin ng naturang programa na matulungan ang mga Micro and Small Entrepreneur (MSE) o mga maliliit na nogosyante sa bansa sa pagpapalago ng mga negosyo sa pamamagitan ng weekly coaching at mentoring ng mga business owners and practitioners sa iba’t ibang bahagi ng pagnenegosyo.

kmmp1.608

kmmp4.608 kmmp5.608

Ang nasabing programa ay sa ilalim ng “the kapatid angat lahat” na inisyatibo na naglalayon ding maiangat ang ekonomiya, matugunan ang problema sa unemployment, Job Mismatch at migration.

Ginaganap sa mga oras na ito ang naturang aktibidad sa Bel Air Resort sa Brgy Lag-on na nagsisimula alas 9 ng umaga kanina at tatagal hanggang alas 5 ng hapon ngayong araw.

Darating sa nasabing programa si DTI Regional Director Engr. Jocelyn Blanco, habang punong abala naman ang DTI Camarines Norte sa pangunguna ni Provincial Director Cynthia Olaguer.

Inaasahan ding dadalo sa nasabing aktibidad si Governor Edgardo Tallado at ilan pang mga opisyal sa lalawigan na inimbitahan para sa naturang aktibidad.

 

 

Camarines Norte News